<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:a="http://relaxng.org/ns/compatibility/annotations/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<request>
<requestName>GetPassage</requestName>
<requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:9</requestUrn>
</request>
<reply>
<urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:9</urn>
<passage>May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim , sa lupaing maburol ng Ephraim , at ang pangalan niya'y Elcana , na anak ni Jeroham , na anak ni Eliu , na anak ni Thohu , na anak ni Suph na Ephraimita : At siya'y may dalawang asawa ; ang pangalan ng isa'y Ana , at ang pangalan ng isa'y Peninna : at si Peninna ay may mga anak nguni't si Ana ay walang anak . At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo . At ang dalawang anak ni Eli , na si Ophni at si Phinees , na mga saserdote sa Panginoon , ay nangandoon . At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay naghahain , ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa , at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae : Nguni't si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi : sapagka't minamahal niya si Ana , bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata . At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya , sapagka't sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata . At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon , na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa ; kaya't siya'y umiiyak , at hindi kumakain . At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya , Ana , bakit ka umiiyak ? at bakit hindi ka kumakain ? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso ? hindi ba ako mabuti sa iyo kay sa sangpung anak ? Sa gayo'y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila'y makainom . Ngayo'y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon . At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa , at tumangis na mainam . At siya'y nanata ng isang panata , at nagsabi , Oh Panginoon ng mga hukbo , kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod , at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod , kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake , ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay , at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo . At nangyari , habang siya'y nananatili ng pananalangin sa harap ng Panginoon , ay pinagmamasdan ni Eli ang kaniyang bibig . Si Ana nga'y nagsasalita sa kaniyang puso ; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw , nguni't ang kaniyang tinig ay hindi naririnig : kaya't inakala ni Eli na siya'y lasing . At sinabi ni Eli sa kaniya , Hanggang kailan magiging lasing ka ? ihiwalay mo ang iyong alak sa iyo . At sumagot si Ana , at nagsabi , Hindi , panginoon ko , ako'y isang babae na may diwang mapanglaw : hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing , kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon . Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod : sapagka't sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon . Nang magkagayo'y sumagot si Eli , at nagsabi , Yumaon kang payapa : at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya . At sinabi niya , Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin . Sa gayo'y nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain , at ang kaniyang mukha'y hindi na malumbay . At sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan , at sumamba sa Panginoon , at bumalik , at umuwi sa kanilang bahay sa Ramatha ; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa ; at inalaala siya ng Panginoon . At nangyari , nang sumapit ang panahon , na si Ana ay naglihi , at nanganak ng isang lalake ; at tinawag ang pangalan niya na Samuel , na sinasabi , Sapagka't aking hiningi siya sa Panginoon . At ang lalaking si Elcana , at ang buong sangbahayan niya , ay nagsiahon upang maghandog sa Panginoon ng hain sa taon-taon , at ganapin ang kaniyang panata . Nguni't si Ana ay hindi umahon ; sapagka't sinabi niya sa kaniyang asawa , Hindi ako aahon hanggang sa ang bata'y mahiwalay sa suso ; at kung magkagayo'y aking dadalhin siya , upang siya'y pakita sa harap ng Panginoon , at tumahan doon magpakailan man . At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya , Gawin mo ang inaakala mong mabuti ; maghintay ka hanggang sa maihiwalay mo siya sa suso ; pagtibayin lamang ng Panginoon ang kaniyang salita . Sa gayo'y naghintay ang babae , at pinasuso ang kaniyang anak , hanggang sa naihiwalay niya sa suso . At nang kaniyang maihiwalay na sa suso , ay kaniyang iniahon , na may dala siyang tatlong guyang lalake , at isang epang harina , at isang sisidlang balat ng alak , at dinala niya siya sa bahay ng Panginoon sa Silo : at ang anak ay sanggol . At kanilang pinatay ang guyang lalake , at dinala ang bata kay Eli . At sinabi niya , Oh panginoon ko , alangalang sa buhay ng iyong kaluluwa , panginoon ko , ako ang babaing tumayo sa siping mo rito , na nanalangin sa Panginoon . Dahil sa batang ito ako nanalangin ; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya : Kaya't aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siya'y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon . At siya ay sumamba sa Panginoon doon . At si Ana ay nanalangin , at nagsabi : Nagagalak ang aking puso sa Panginoon ; Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon ; Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway ; Sapagka't ako'y nagagalak sa iyong pagliligtas . Walang banal na gaya ng Panginoon ; Sapagka't walang iba liban sa iyo , Ni may bato mang gaya ng aming Dios . Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan ; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig ; Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman , At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos . Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira ; At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan . Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay ; At yaong mga gutom ay hindi na gutom : Oo , ang baog ay nanganak ng pito ; At yaong may maraming anak ay nanghihina . Ang Panginoo'y pumapatay , at bumubuhay : Siya ang nagbababa sa Sheol , at nagsasampa . Ang Panginoo'y nagpapadukha at nagpapayaman : Siya ang nagpapababa , at siya rin naman ang nagpapataas . Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok , Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan , Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe , At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian : Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon , At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila . Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal ; Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman ; Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig . Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay malalansag ; Laban sa kanila'y kukulog siya mula sa langit : Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa ; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari , At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis . At si Elcana ay umuwi sa Ramatha sa kaniyang bahay . At ang bata'y nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli na saserdote . Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake ; hindi nila nakikilala ang Panginoon . At ang kaugalian ng mga saserdote sa bayan , ay , na pagka ang sinoma'y naghahandog ng hain , lumalapit ang bataan ng saserdote , samantalang ang laman ay niluluto , na may hawak sa kamay na pang-ipit na may tatlong ngipin ; At kaniyang dinuduro sa kawali , o sa kaldera , o sa kaldero , o sa palyok ; at lahat ng nadadala ng pang-ipit ay kinukuha ng saserdote para sa kaniya . Gayon ang ginagawa nila sa Silo sa lahat ng mga Israelita na naparoroon . Oo , bago nila sunugin ang taba , ay lumalapit ang bataan ng saserdote , at sinasabi sa lalake na naghahain , Magbigay ka ng lamang maiihaw para sa saserdote , sapagka't hindi siya tatanggap sa iyo ng lamang luto , kundi hilaw . At kung sabihin ng lalake sa kaniya , Walang pagsalang kanila munang susunugin ang taba , at saka mo kunin kung gaano ang nasain ng iyong kaluluwa ; kaniya ngang sinasabi , Hindi , kundi ibibigay mo sa akin ngayon : at kung hindi ay aking kukuning sapilitan . At ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon ; sapagka't niwawalan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon . Nguni't si Samuel ay nangangasiwa sa harap ng Panginoon , sa bagay ay bata pa , na may bigkis na isang kayong linong epod . Bukod sa rito'y iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal , at dinadala sa kaniya taon-taon , pagka siya'y umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon . At binasbasan ni Eli si Elcana at ang kaniyang asawa , at sinabi , Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon . At sila'y umuwi sa kanilang sariling bahay . At dinalaw ng Panginoon si Ana , at siya'y naglihi , at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae . At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon . Si Eli nga ay totoong matanda na ; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel , at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan . At sinabi niya sa kanila , Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay ? sapagka't aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos . Huwag , mga anak ko ; sapagka't hindi mabuting balita ang aking naririnig : inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon . Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba , ay hahatulan siya ng Dios ; nguni't kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon , sino ang mamamagitan sa kaniya ? Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama , sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon . At ang batang si Samuel ay lumalaki , at kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman . At naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli , at sinabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama , nang sila'y nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon ? At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko , upang maghandog sa aking dambana , upang magsunog ng kamangyan , at upang magsuot ng epod sa harap ko ? at ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy ? Bakit nga kayo'y tumututol sa aking hain at sa aking handog , na aking iniutos sa aking tahanan , at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin , upang kayo'y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan ? Kaya't sinasabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan , at ang sangbahayan ng iyong ama , ay lalakad sa harap ko magpakailan man : nguni't sinasabi ngayon ng Panginoon , Malayo sa akin ; sapagka't yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin , at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan . Narito , ang mga araw ay dumarating , na aking ihihiwalay ang iyong bisig , at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama , upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan . At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan , sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel ; at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man . At ang lalaking iyo , na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana , ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso ; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan . At ito ang magiging tanda sa iyo , na darating sa iyong dalawang anak , kay Ophni at kay Phinees : sa isang araw , sila'y kapuwa mamamatay . At ako'y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote , na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip : at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan ; at siya'y lalakad sa harap ng aking pinahiran ng langis , magpakailan man . At mangyayari , na bawa't isa na naiwan sa iyong sangbahayan , ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay , at magsasabi , Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote , upang makakain ako ng isang subong tinapay . At ang batang si Samuel ay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli . At ang salita ng Panginoon ay mahalaga noong mga araw na yaon ; walang hayag na pangitain . At nangyari nang panahon na yaon , nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako , ( ang kaniya ngang mata'y nagpasimulang lumabo , na siya'y hindi nakakita , ) At ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay , at si Samuel ay nakahiga upang matulog , sa templo ng Panginoon , na kinaroroonan ng kaban ng Dios ; Na tinawag ng Panginoon si Samuel : at kaniyang sinabi , Narito ako . At siya'y tumakbo kay Eli , at nagsabi , Narito ako ; sapagka't tinawag mo ako . At kaniyang sinabi , Hindi ako tumawag ; mahiga ka uli . At siya'y yumaon at nahiga . At tumawag pa uli ang Panginoon , Samuel . At bumangon si Samuel at naparoon kay Eli , at nagsabi , Narito ako : sapagka't ako'y tinawag mo . At siya'y sumagot , Hindi ako tumawag , anak ko ; mahiga ka uli . Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon , o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya . At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo . At siya'y bumangon , at naparoon kay Eli , at nagsabi , Narito ako ; sapagka't ako'y iyong tinawag . At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata . Kaya't sinabi ni Eli kay Samuel , Yumaon ka , mahiga ka : at mangyayari , na kung tatawagin ka niya , ay iyong sasabihin , Magsalita ka , Panginoon ; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod . Sa gayo'y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako . At ang Panginoon ay naparoon , at tumayo , at tumawag na gaya ng una , Samuel , Samuel . Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel , Magsalita ka ; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod . At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Narito , gagawa ako ng isang bagay sa Israel , na ang dalawang tainga ng bawa't isa na nakikinig ay magpapanting . Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan , mula sa pasimula hanggang sa wakas . Sapagka't aking isinaysay sa kaniya na aking huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man , dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman , sapagka't ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili , at hindi niya sinangsala sila . At kaya't ako'y sumumpa sa sangbahayan ni Eli , na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain , o handog man magpakailan man . At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan , at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon . At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip . Nang magkagayo'y tinawag ni Eli si Samuel , at nagsabi , Samuel , anak ko . At kaniyang sinabi , Narito ako . At kaniyang sinabi , Ano ang bagay na sinalita sa iyo ? isinasamo ko sa iyo na huwag mong ilihim sa akin : hatulan ka ng Dios , at lalo na , kung iyong ililihim sa akin ang anomang bagay sa lahat ng mga bagay na kaniyang sinalita sa iyo . At isinaysay sa kaniya ni Samuel ang buong sinalita , at hindi naglihim ng anoman sa kaniya . At kaniyang sinabi , Panginoon nga : gawin niya ang inaakala niyang mabuti . At si Samuel ay lumalaki at ang Panginoon ay sumasakaniya , at walang di pinapangyari sa kaniyang mga salita . At nakilala ng buong Israel mula sa Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay itinatag na maging propeta ng Panginoon . At napakilala uli ang Panginoon sa Silo , sapagka't ang Panginoo'y napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon . At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel , Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka , at humantong sa Ebenezer : at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec . At ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel : at nang sila'y magsagupa , ang Israel ay nasaktan sa harap ng mga Filisteo ; at kanilang pinatay sa hukbo sa parang , ay may apat na libong lalake . At nang ang bayan ay dumating sa kampamento , ay sinabi ng mga matanda sa Israel , Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo ? Ating dalhin sa atin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa Silo , upang mapasa gitna natin yaon , at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway . Sa gayo'y nagsugo ang bayan sa Silo , at kanilang dinala mula roon ang kaban ng tipan ng Panginoon ng mga hukbo , na nauupo sa gitna ng mga querubin : at ang dalawang anak ni Eli , si Ophni at si Phinees , ay nandoon na binabantayan ang kaban ng tipan ng Dios . At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento , ang buong Israel ay humiyaw ng malakas na hiyaw , na ano pa't naghinugong sa lupa . At nang marinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyaw , ay nagsipagsabi , Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo ? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento . At ang mga Filisteo ay nangatakot , sapagka't kanilang sinabi , Ang Dios ay pumasok sa kampamento . At kanilang sinabi , Sa aba natin ! sapagka't hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man . Sa aba natin ! sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng makapangyarihang mga dios na ito ? ito ang mga dios na nanakit sa mga taga-Egipto ng sarisaring salot sa ilang . Kayo'y magpakalakas at magpakalalake , Oh kayong mga Filisteo , upang kayo'y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo , na gaya ng naging lagay nila sa inyo : kayo'y magpakalalake , at magsilaban . At ang mga Filisteo ay nagsilaban , at ang Israel ay nasaktan , at tumakas ang bawa't isa sa kanila sa kaniyang tolda : at nagkaroon ng malaking patayan ; sapagka't nabuwal sa Israel ay tatlong pung libong lalaking lakad . At ang kaban ng Dios ay kinuha ; at ang dalawang anak ni Eli , si Ophni at Phinees ay pinatay . At tumakbo ang isang lalake ng Benjamin na mula sa hukbo , at naparoon sa Silo nang araw ding yaon , na may barong hapak at may lupa sa kaniyang ulo . At nang siya'y dumating , narito , si Eli ay nakaupo sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay ; sapagka't ang kaniyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios . At nang ang tao ay pumasok sa bayan , at saysayin ang mga balita , ang buong bayan ay humiyaw . At nang marinig ni Eli ang ingay ng hiyawan , ay kaniyang sinabi , Ano ang kahulugan ng kaingay ng gulong ito ? At ang tao'y nagmadali , at naparoon , at isinaysay kay Eli . Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na ; at ang kaniyang mga mata'y malalabo na , siya'y di na makakita . At sinabi ng lalake kay Eli , Ako yaong nanggaling sa hukbo , at ako'y tumakas ngayon mula sa hukbo . At kaniyang sinabi , Paano ang nangyari , anak ko ? At siya na nagdala ng mga balita ay sumagot at nagsabi , Ang Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo , at nagkaroon din naman doon ng isang malaking patayan sa gitna ng bayan , at pati ng iyong dalawang anak , si Ophni at si Phinees ay patay na , at ang kaban ng Dios ay kinuha . At nangyari , nang kaniyang banggitin ang kaban ng Dios , na siya'y nabuwal sa likuran sa kaniyang upuan sa dako ng pintuang-bayan ; at nabalian siya sa leeg , at siya'y namatay : sapagka't siya'y lalaking matanda at mabigat . At hinatulan niya ang Israel na apat na pung taon . At ang kaniyang manugang , na asawa ni Phinees , ay buntis na kagampan : at pagkarinig niya ng balita na ang kaban ng Dios ay kinuha , at ang kaniyang biyanan at kaniyang asawa ay patay na , ay yumukod siya at napanganak ; sapagka't ang kaniyang pagdaramdam ay dumating sa kaniya . At nang mamatay na siya , ay sinabi sa kaniya ng mga babaing nakatayo sa siping niya , Huwag kang matakot ; sapagka't ikaw ay nanganak ng isang lalake . Nguni't hindi siya sumagot , o inalumana man niya . At ipinangalan niya sa bata ay Ichabod , na sinasabi , Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel ; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha , at dahil sa kaniyang biyanan at sa kaniyang asawa . At kaniyang sinabi , Ang kaluwalhatian ng Dios ay nahiwalay sa Israel ; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha . Kinuha nga ng mga Filisteo ang kaban ng Dios , at kanilang dinala sa Asdod mula sa Eben-ezer . At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon , at inilagay sa tabi ni Dagon . At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan , narito , si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon . At kanilang kinuha si Dagon , at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan . At nang sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan , narito , si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon ; at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan ; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya . Kaya't ang mga saserdote man ni Dagon , o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon , ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod , hanggang sa araw na ito . Nguni't ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod , at mga ipinahamak niya , at mga sinaktan ng mga bukol , sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon . At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon , ay kanilang sinabi , Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin ; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin , at kay Dagon ating dios . Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi , Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel ? At sila'y sumagot , Dalhin sa Gath ang kaban ng Dios ng Israel . At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel . At nangyari , na pagkatapos na kanilang madala , ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan , na nagkaroon ng malaking pagkalito : at sinaktan niya ang mga tao sa bayan , ang maliit at gayon din ang malaki ; at mga bukol ay sumibol sa kanila . Sa gayo'y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa Ecron . At nangyari , pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron , na ang mga Ecronita ay sumigaw , na nagsasabi , Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel , upang patayin tayo at ang ating bayan . Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo , at kanilang sinabi , Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel , at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako , upang huwag kaming patayin at ang aming bayan . Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan : ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon . At ang mga lalaking hindi namatay ay nasaktan ng mga bukol ; at ang daing ng bayan ay umabot sa langit . At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan . At tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula , na sinasabi , Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon ? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako . At kanilang sinabi , Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel , ay huwag ninyong ipadalang walang laman ; kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala : kung magkagayo'y gagaling kayo , at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo . Nang magkagayo'y kanilang sinabi , Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya ? At kanilang sinabi , Limang gintong bukol , at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo ; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat , at napasa inyong mga pangulo . Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol , at mga larawan ng inyong mga daga na sumira ng lupain , at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel : baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay sa inyo , at sa inyong mga dios , at sa inyong lupain . Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso , na gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso ? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila , di ba nila pinayaon ang bayan , at sila'y yumaon ? Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo , at dalawang bagong bakang gatasan , na hindi napatungan ng pamatok ; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo , at iuwi ninyo ang kanilang mga guya . At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon , at isilid ninyo sa karo ; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala ; at inyong ipadala upang yumaon . At tingnan ninyo ; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa Beth-semes , ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito : nguni't kung hindi , malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin ; isang pagkakataong nangyari sa atin . At ginawang gayon ng mga lalake , at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan , at mga ikinabit sa karo , at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay : At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo , at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol . At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes ; sila'y nagpatuloy sa lansangan , na umuungal habang yumayaon , at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa ; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes . At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis : at kanilang itiningin ang kanilang mga mata , at nakita ang kaban , at nangagalak sa pagkakita niyaon . At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita , at tumayo roon , sa kinaroroonan ng isang malaking bato : at kanilang biniyak ang kahoy ng karo , at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin . At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon , at ang kaha na kasama niyaon , na may silid na mga hiyas na ginto , at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon . At nang makita ng limang pangulo ng mga Filisteo , ay bumalik sa Ecron nang araw ding yaon . At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala : sa Asdod ay isa , sa Gaza ay isa , sa Ascalon ay isa , sa Gath ay isa , sa Ecron ay isa ; At ang mga dagang ginto , ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo , ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga nayon sa parang ; sa makatuwid baga'y hanggang sa malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon , na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita . At sumakit ang Dios sa mga tao sa Beth-semes , sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon , sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao . At ang bayan ay nanaghoy , sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay . At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi , Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon , dito sa banal na Dios ? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin ? At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa Chiriath-jearim , na nagsasabi , Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon ; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo . At ang mga lalake sa Chiriath-jearim ay nagsiparoon , at iniahon ang kaban ng Panginoon , at dinala sa bahay ni Abinadab sa burol , at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak , upang ingatan ang kaban ng Panginoon . At nangyari , mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim , na ang panahon ay nagtatagal ; sapagka't naging dalawang pung taon ; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon . At nagsalita si Samuel sa buong sangbahayan ng Israel , na nagsasabi , Kung kayo'y babalik sa Panginoon ng buo ninyong puso ay inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba , at ang mga Astaroth , at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon , at sa kaniya lamang kayo maglingkod ; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo . Nang magkagayo'y inalis ng mga anak ni Israel ang mga Baal at ang mga Astaroth , at sa Panginoon lamang naglingkod . At sinabi ni Samuel , Pisanin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at idadalangin ko kayo sa Panginoon . At sila'y nagtitipon sa Mizpa , at nagsiigib ng tubig , at ibinuhos sa harap ng Panginoon , at nagsipagayuno nang araw na yaon , at nangagsabi , Kami ay nangagkasala laban sa Panginoon . At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa . At nang mabalitaan ng mga Filisteo na ang mga anak ni Israel ay nagtitipon sa Mizpa , nagsiahon laban sa Israel ang mga pangulo ng mga Filisteo . At nang mabalitaan ng mga anak ni Israel , ay nangatakot sa mga Filisteo . At sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel , Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios , ng dahil sa atin , upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo . At kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin , at inihandog na pinaka buong handog na susunugin sa Panginoon : at dumaing si Samuel sa Panginoon dahil sa Israel ; at ang Panginoon ay sumagot sa kaniya . At samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na susunugin , ay lumapit ang mga Filisteo upang makipagbaka laban sa Israel ; nguni't ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na yaon sa mga Filisteo , at nilito sila ; at sila'y nangabuwal sa harap ng Israel . At ang mga lalake sa Israel ay nagsilabas sa Mizpa , at hinabol ang mga Filisteo , at sinaktan sila , hanggang sa nagsidating sila sa Beth-car . Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng isang bato , at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen , at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer , na sinasabi , Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon . Sa gayo'y nagsisuko ang mga Filisteo , at hindi na sila pumasok pa sa hangganan ng Israel : at ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng mga araw ni Samuel . At ang mga bayan na sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa Israel , mula sa Ecron hanggang sa Gath ; at ang mga hangganan niyaon ay pinapaging laya ng Israel sa kamay ng mga Filisteo . At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga Amorrheo . At hinatulan ni Samuel ang Israel lahat ng mga araw ng kaniyang buhay . At siya'y naparoon na lumigid taon-taon sa Beth-el , at sa Gilgal , at sa Mizpa ; at hinatulan niya ang Israel sa lahat ng mga dakong yaon . At ang kaniyang balik ay sa Rama , sapagka't nandoon ang kaniyang bahay ; at doo'y hinatulan niya ang Israel : at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon . At nangyari , nang si Samuel ay matanda na , na kaniyang ginawang mga hukom sa Israel ang kaniyang mga anak . Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel ; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia : sila'y mga hukom sa Beer-seba . At ang kaniyang mga anak ay hindi lumakad sa kaniyang mga daan , kundi lumingap sa mahalay na kapakinabangan , at tumanggap ng mga suhol , at sinira ang paghatol . Nang magkagayo'y nagpipisan ang mga matanda ng Israel , at naparoon kay Samuel sa Ramatha ; At kanilang sinabi sa kaniya , Narito , ikaw ay matanda na , at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan : ngayon nga'y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa . Nguni't hindi minabuti ni Samuel , nang kanilang sabihin , Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin . At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo ; sapagka't hindi ikaw ang kanilang itinakuwil , kundi itinakuwil nila ako , upang huwag akong maghari sa kanila . Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Egipto hanggang sa araw na ito , sa kanilang pagiiwan sa akin , at paglilingkod sa ibang mga dios ay gayon ang ginagawa nila sa iyo . Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig : gayon ma'y tatanggi kang mainam sa kanila , at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila . At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari . At kaniyang sinabi , Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo : kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo , at upang maging mga mangangabayo niya ; at sila'y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo ; At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin ; at ang iba ay upang umararo ng kaniyang lupa , at umani ng kaniyang aanihin , at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma , at sangkap sa kaniyang mga karo . At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango , at maging mga tagapagluto , at maging mga magtitinapay . At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid , at ang inyong mga ubasan , at ang inyong mga olibohan , sa makatuwid baga'y ang pinakamabuti sa mga yaon , upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod . At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi , at ng inyong mga ubasan , at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal , at sa kaniyang mga lingkod . At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae , at ang inyong pinakamabuting bataan , at ang inyong mga asno , at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain . Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan : at kayo'y magiging kaniyang mga lingkod . At kayo'y dadaing sa araw na yaon , dahil sa inyong hari na inyong pipiliin ; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon . Nguni't tinanggihang dinggin ng bayan ang tinig ni Samuel ; at kanilang sinabi , Hindi ; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin ; Upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa , at upang hatulan kami ng aming hari , at lumabas sa unahan namin , at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka . At narinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan , at kaniyang mga isinaysay sa pakinig ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari . At sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel , Yumaon ang bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang bayan . May isang lalake nga sa Benjamin , na ang pangala'y Cis , na anak ni Abiel , na anak ni Seor , na anak ni Bechora , na anak ni Aphia , na anak ng isang Benjamita , na isang makapangyarihang lalake na may tapang . At siya'y may isang anak na lalake , na ang pangala'y Saul , isang bata at makisig : at sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalake kay sa kaniya : mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa paitaas ay lalong mataas siya kay sa sinoman sa bayan . At ang mga asno ni Cis na ama ni Saul ay nawala . At sinabi ni Cis kay Saul na kaniyang anak , Ipagsama mo ngayon ang isa sa mga bataan , at ikaw ay tumindig , at hanapin mo ang mga asno . At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim , at nagdaan sa lupain ng Salisa , nguni't hindi nila nangasumpungan : nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim , at wala roon : at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita , nguni't hindi nila nangasumpungan doon . Nang sila'y dumating sa lupain ng Suph , ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya , Halina at bumalik tayo , baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo . At sinabi niya sa kaniya , Narito , may isa ngang lalake ng Dios sa bayang ito , at siya'y isang lalaking may dangal ; lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari : ngayo'y pumaroon tayo ; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan , Nguni't narito , kung tayo'y pumaroon , ano ang ating dadalhin sa lalake ? sapagka't naubos na ang tinapay sa ating mga buslo , at wala na tayong madadalang kaloob sa lalake ng Dios : anong mayroon tayo ? At sumagot uli ang bataan kay Saul , at nagsabi , Narito , mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak : iyan ang aking ibibigay sa lalake ng Dios , upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay . ( Nang una sa Israel , pagka ang isang lalake ay mag-uusisa sa Dios , ay ganito ang sinasabi , Halika , at tayo'y pumaroon sa tagakita : sapagka't yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatawag nang una na Tagakita . ) Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan , Mabuti ang sinasabi mo ; halika , tayo'y pumaroon . Sa gayo'y naparoon sila sa bayang kinaroroonan ng lalake ng Dios . Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig , at sinabi nila sa kanila , Narito ba ang tagakita ? At sila'y sumagot sa kanila , at nagsabi , Siya'y nariyan , narito , nasa unahan mo : magmadali kayo ngayon , sapagka't siya'y naparoon ngayon sa bayan ; sapagka't ang bayan ay may hain ngayon sa mataas na dako . Pagkapasok ninyo sa bayan , ay agad masusumpungan ninyo siya , bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain ; sapagka't ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating , sapagka't kaniyang binabasbasan ang hain ; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan . Kaya nga umahon kayo ; sapagka't sa oras na ito'y inyong masusumpungan siya . At sila'y umahon sa bayan ; at pagpasok nila sa bayan , narito , si Samuel ay nasasalubong nila , na papaahon sa mataas na dako . Inihayag nga ng Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon , na sinasabi , Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin , at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel ; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo : sapagka't aking tiningnan ang aking bayan , dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin . At nang makita ni Samuel si Saul , ay sinabi ng Panginoon sa kaniya , Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo ! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan . Nang magkagayo'y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan , at sinabi , Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin , kung saan nandoon ang bahay ng tagakita . At sumagot si Samuel kay Saul , at nagsabi , Ako ang tagakita ; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako , sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon : at sa kinaumagahan ay payayaunin kita , at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo . At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin ; sapagka't nasumpungan na . At kanino ang buong pagnanasa sa Israel ? Hindi ba sa iyo , at sa buong sangbahayan ng iyong ama ? At si Saul ay sumagot , at nagsabi , Hindi ba ako Benjamita , sa pinakamaliit na lipi ng Israel ? at ang aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin ? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan ? At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan , at ipinasok niya sila sa kabahayan , at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan , na may tatlong pung katao . At sinabi ni Samuel sa tagapagluto , Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo , na siyang aking sinabi sa iyo , Ilagay mo ito sa iyo . At itinaas nga ng tagapagluto ang hita , at yaong nakapatong , at inilagay sa harap ni Saul . At sinabi ni Samuel , Narito , siya ngang itinago ! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin ; sapagka't iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo , sapagka't aking sinabi , Aking inanyayahan ang bayan . Sa gayo'y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon . At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako , siya'y nakipagpulong kay Saul sa bubungan ng bahay . At sila'y bumangong maaga : at nangyari sa pagbubukang liwayway , na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan , na sinasabi , Bangon , upang mapagpaalam kita . At si Saul ay bumangon , at lumabas kapuwa sila , siya at si Samuel . At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan , ay sinabi ni Samuel kay Saul , Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin ( at siya'y nagpauna , ) nguni't tumigil ka sa oras na ito , upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios . Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis , at ibinuhos sa ulo niya , at hinagkan niya siya , at sinabi , Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana ? Paghiwalay mo sa akin ngayon , ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng libingan ni Rachel , sa hangganan ng Benjamin sa Selsah ; at sasabihin nila sa iyo , Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na ; at , narito , niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno , at ang inaalaala ay kayo , na sinasabi , Paano ang aking gagawin sa aking anak ? Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon , at darating ka sa ensina ng Tabor ; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el , ang isa'y may dalang tatlong batang kambing , at ang isa'y may dalang tatlong tinapay , at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak : At babatiin ka nila , at bibigyan ka ng dalawang tinapay , na iyong tatanggapin sa kanilang kamay . Pagkatapos ay darating ka sa burol ng Dios , na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo : at mangyayari pagdating mo roon sa bayan , na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong mula sa mataas na dako , na may salterio , at pandereta , at flauta , at alpa sa harap nila ; at sila'y magsisipanghula . At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo , at manghuhula kang kasama nila , at ikaw ay magiging ibang lalake . At mano nawa , na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo , na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon ; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo . At ikaw ay lulusong na una sa akin sa Gilgal ; at , narito , lulusungin kita , upang maghandog ng mga handog na susunugin , at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan : pitong araw na maghihintay ka , hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo , at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin . At nangyaring gayon , na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel , ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso : at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon . At nang sila'y dumating doon sa burol , narito , isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya ; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya , at siya'y nanghula sa gitna nila . At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una , na , narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta , ay nagsalisalitaan ang bayan , Ano itong nangyari sa anak ni Cis ? Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta ? At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi , At sino ang kanilang ama ? Kaya't naging kawikaan , Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta ? At nang siya'y makatapos ng panghuhula , siya'y sumampa sa mataas na dako . At sinabi ng amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan , Saan kayo naparoon ? At kaniyang sinabi , Upang hanapin ang mga asno , at nang aming makita na hindi mangasumpungan , ay naparoon kami kay Samuel . At sinabi ng amain ni Saul , Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin , kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo . At sinabi ni Saul sa kaniyang amain , Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan na . Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian , na sinalita ni Samuel , ay hindi niya isinaysay sa kaniya . At tinipon ni Samuel ang bayan sa Panginoon sa Mizpa ; At sinabi niya sa mga anak ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto , at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto , at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo : Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios , na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian ; at sinabi ninyo sa kaniya , Hindi , kundi lagyan mo kami ng isang hari . Ngayon nga'y humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyoinyong mga lipi , at ayon sa inyong mga libolibo . Sa gayo'y pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi , at ang lipi ni Benjamin ang napili . At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan ; at ang angkan ni Matri ay siyang napili ; at si Saul na anak ni Cis , ay siyang napili : nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan . Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon , May lalake pa bang paririto ? At ang Panginoon ay sumagot , Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan . At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon ; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan , ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan , mula sa kaniyang mga balikat at paitaas . At sinabi ni Samuel sa buong bayan , Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon , na walang gaya niya sa buong bayan ? At ang buong bayan ay sumigaw , at nagsabi , Mabuhay ang hari . Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang paraan ng kaharian , at isinulat sa isang aklat , at inilagay sa harap ng Panginoon . At pinayaon ni Samuel ang buong bayan , na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay . At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa Gabaa ; at yumaong kasama niya ang hukbo , na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios . Nguni't sinabi ng ilang hamak na tao , Paanong ililigtas tayo ng taong ito ? At kanilang niwalang kabuluhan at hindi nila dinalhan ng kaloob . Nguni't siya'y hindi umimik . Nang magkagayo'y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad : at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes , Makipagtipan ka sa amin , at kami ay maglilingkod sa iyo . At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila , Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo , na ang lahat ninyong kanang mata ay dukitin ; at aking ilalagay na pinakapintas sa buong Israel . At sinabi ng mga matanda sa Jabes sa kaniya , Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpasugo ng mga sugo sa lahat ng mga hangganan ng Israel ; at kung wala ngang magliligtas sa amin , lalabasin ka namin . Nang magkagayo'y pumaroon ang mga sugo sa Gabaa kay Saul at sinalita ang mga salitang ito sa mga pakinig ng bayan : at ang buong bayan ay naglakas ng tinig at umiyak . At , narito , sinusundan ni Saul ang mga baka sa bukid ; at sinabi ni Saul , Anong mayroon ang bayan na sila'y umiiyak ? At kanilang isinaysay ang mga salita ng mga lalake sa Jabes . At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon , at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam . At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka , at kaniyang kinatay , at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo , na sinasabi , Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel , ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka . At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan , at sila'y lumabas na parang iisang tao . At binilang niya sila sa Bezec ; at ang mga anak ni Israel , ay tatlong daang libo , at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo . At sinabi nila sa mga sugo na naparoon , Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalake sa Jabes-galaad , Bukas sa kainitan ng araw , ay magtataglay kayo ng kaligtasan . At naparoon ang mga sugo at isinaysay sa mga lalake sa Jabes ; at sila'y natuwa . Kaya't sinabi ng mga lalake sa Jabes , Bukas ay lalabasin namin kayo at inyong gagawin sa amin ang lahat na inyong inaakalang mabuti sa inyo . At naging gayon sa kinabukasan , na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong ; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw : at nangyari , na ang mga nalabi ay nangalat , na anopa't walang naiwang dalawang magkasama . At sinabi ng bayan kay Samuel , Sino yaong nagsasabi , Maghahari ba si Saul sa amin ? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila . At sinabi ni Saul , Walang taong papatayin sa araw na ito ; sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel . Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan , Halikayo at tayo'y paroon sa Gilgal , at ating baguhin ang kaharian doon . At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal ; at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harap ng Panginoon ; at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon ; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon . At sinabi ni Samuel sa buong Israel , Narito , aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin , at naghalal ako ng isang hari sa inyo . At ngayo'y narito , ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo ; at ako'y matanda na at mauban ; at , narito , ang aking mga anak ay kasama ninyo : at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito . Narito ako : sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon , at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis : kung kaninong baka ang kinuha ko ? kung kaninong asno ang kinuha ko ? o kung sino ang aking dinaya ? kung sino ang aking pinighati ? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang aking mga mata niyaon ? at aking isasauli sa inyo . At kanilang sinabi , Hindi ka nagdaya sa amin , ni pumighati man sa amin , ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman . At sinabi niya sa kanila , Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay . At kanilang sinabi , Siya'y saksi . At sinabi ni Samuel sa bayan , Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron , at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto . Ngayon nga'y tumayo kayo , upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang . Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto , at ang inyong mga magulang ay dumaing sa Panginoon , sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron , na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto , at pinatira sila sa dakong ito . Nguni't nilimot nila ang Panginoon nilang Dios ; at ipinagbili niya sila sa kamay ng Sisara , na kapitan ng hukbo ni Azor , at sa kamay ng mga Filisteo , at sa kamay ng hari sa Moab ; at sila'y nakipaglaban sa kanila . At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi , Kami ay nagkasala , sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth : nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway , at kami ay maglilingkod sa iyo . At sinugo ng Panginoon si Jerobaal , at si Bedan , at si Jephte , at si Samuel , at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako , at kayo'y tumahang tiwasay . At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo , ay inyong sinabi sa akin , Hindi , kundi isang hari ang maghahari sa amin ; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari . Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari na inyong pinili , at siya ninyong hiningi : at , narito , nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo . Kung kayo'y matatakot sa Panginoon , at maglilingkod sa kaniya , at makikinig sa kaniyang tinig , at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon , at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios , ay mabuti : Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon , kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon , ay magiging laban nga sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya sa inyong mga magulang . Ngayon nga'y tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata . Hindi ba pagaani ng trigo sa araw na ito ? Ako'y tatawag sa Panginoon , na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan ; at inyong malalaman at makikita na ang inyong kasamaan ay dakila , na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari . Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon ; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon : at ang buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel . At sinabi ng buong bayan kay Samuel , Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios , upang huwag kaming mamatay ; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito , na humingi kami para sa amin ng isang hari . At sinabi ni Samuel sa bayan , Huwag kayong matakot : tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito ; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon , kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon . At huwag kayong lumiko ; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man , sapagka't mga walang kabuluhan . Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang dakilang pangalan , sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya . Saka sa ganang akin , malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo : kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan . Matakot lamang kayo sa Panginoon , at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso ; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo . Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan , kayo'y malilipol , kayo at gayon din ang inyong hari . Si Saul ay may ( apat na pung ) taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari ; at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel . At pumili si Saul para sa kaniya ng tatlong libong lalake sa Israel , na ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Michmas at sa bundok ng Bethel , at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gabaa ng Benjamin : at ang labis ng bayan ay sinugo niya bawa't isa sa kaniyang tolda . At sinaktan ni Jonathan ang pulutong ng mga Filisteo na nasa Geba ; at nabalitaan ng mga Filisteo . At hinipan ni Saul ang pakakak sa buong lupain , na sinasabi , Marinig ng mga Hebreo . At narinig nga ng buong Israel ng sabihin na sinaktan ni Saul ang pulutong ng mga Filisteo , at ang Israel naman ay naging kasuklam-suklam sa mga Filisteo . At ang bayan ay nagpipisan na sumunod kay Saul sa Gilgal . At ang mga Filisteo ay nagpupulong upang lumaban sa Israel , tatlong pung libong karo , at anim na libong mangangabayo , at ang bayan na gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan : at sila'y umahon at humantong sa Michmas sa dakong silanganan ng Beth-aven . Nang makita ng mga lalake ng Israel na sila'y nasa kagipitan , ( sapagka't ang bayan ay napipighati ) ang bayan nga ay nagkubli sa mga yungib , at sa mga tinikan , at sa mga bato , at sa mga katibayan , at sa mga hukay . Ang iba nga sa mga Hebreo ay tumawid sa Jordan na patungo sa lupain ng Gad , at ng Galaad ; nguni't si Saul ay nasa Gilgal siya , at ang buong bayan ay sumunod sa kaniya na nanginginig . At siya'y naghintay ng pitong araw , ayon sa takdang panahon na itinakda ni Samuel : nguni't si Samuel ay hindi naparoon sa Gilgal ; at ang bayan ay nangangalat sa kaniya . At sinabi ni Saul , Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin , at ang handog tungkol sa kapayapaan . At kaniyang inihandog ang handog na susunugin . At nangyari , na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin , narito , si Samuel ay dumating ; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kaniya . At sinabi ni Samuel , Ano ang iyong ginawa ? At sinabi ni Saul , Sapagka't aking nakita na ang bayan ay nangangalat sa akin , at hindi ka dumarating sa mga takdang araw , at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas ; Kaya aking sinabi , Ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal , at hindi ko pa naipamamanhik ang kagalingan sa Panginoon : ako'y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin . At sinabi ni Samuel kay Saul , Gumawa kang may kamangmangan ; hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo : sapagka't itinatag sana ng Panginoon ang kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man . Nguni't ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian : ang Panginoo'y humanap para sa kaniya ng isang lalaking ayon sa kaniyang sariling puso , at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa kaniyang bayan , sapagka't hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo . At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa Gabaa ng Benjamin . At binilang ni Saul ang bayan na nakaharap sa kaniya , na may anim na raang lalake . At si Saul , at si Jonathan na kaniyang anak , at ang bayan na nakaharap sa kanila , ay tumigil sa Geba ng Benjamin : nguni't ang mga Filisteo ay humantong sa Michmas . At ang mga mananamsam ay lumabas na tatlong pulutong sa kampamento ng mga Filisteo ; ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa Ophra , na patungo sa lupain ng Sual : At ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa Beth-horon at ang isang pulutong ay lumiko sa daan ng hangganan na humaharap na palusong sa libis ng Seboim sa dakong ilang . Wala ngang panday na masumpungan sa buong lupain ng Israel : sapagka't sinasabi ng mga Filisteo , Baka ang mga Hebreo ay igawa nila ng mga tabak o mga sibat : Nguni't nilusong ng lahat ng mga taga Israel ang mga Filisteo upang ihasa ng bawa't lalake ang kaniyang pangararo , at ang kaniyang asarol , at ang kaniyang palakol , at ang kaniyang piko ; Gayon ma'y mayroon silang pangkikil sa mga piko at sa mga asarol , at sa mga kalaykay , at sa mga palakol , at upang ipang-hasa ng mga panundot . Sa gayo'y nangyari , na sa araw ng pagbabaka , ay wala kahit tabak o sibat mang masumpungan sa kamay ng sinoman sa bayan na kasama ni Saul at ni Jonathan : kundi si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ang kinasumpungan lamang . At ang pulutong ng mga Filisteo ay lumabas na napatungo sa daanan ng Michmas . Nangyari nga isang araw , na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata , Halika at tayo'y dumaan sa pulutong ng mga Filisteo , na nasa dakong yaon . Nguni't hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama . At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng puno ng granada na nasa Migron : at ang bayan na nasa kaniya ay may anim na raang lalake . At si Achias na anak ni Achitob , na kapatid ni Ichabod , na anak ni Phinees , na anak ni Eli , na saserdote ng Panginoon sa Silo , ay nagsusuot ng epod . At hindi nalalaman ng bayan na si Jonathan ay yumaon . At sa pagitan ng mga daanan , na pinagsikapan ni Jonathan na pagdaanan ng pulutong ng mga Filisteo , ay mayroong isang tila tukang bato sa isang dako at isang tila tukang bato sa kabilang dako : at ang pangalan ng isa ay Boses at ang pangalan niyaon isa ay Sene . Ang isang tila tuka ay pataas sa hilagaan sa tapat ng Michmas , at ang isa ay sa timugan sa tapat ng Gabaa . At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata : Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga hindi tuling ito : marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin : sapagka't hindi maliwag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti . At sinabi sa kaniya ng tagadala niya ng sandata , Gawin mo ang buong nasa loob mo : lumiko ka , narito , ako'y sumasa iyo ayon sa nasa loob mo . Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan , Narito , tayo'y dumaan sa mga lalaking yaon , at tayo'y pakikilala sa kanila . Kung kanilang sabihing ganito sa atin , Kayo'y maghintay hanggang sa kami ay dumating sa inyo ; ay maghihintay nga tayo sa ating dako at hindi natin aahunin sila . Nguni't kung kanilang sabihing ganito , Ahunin ninyo kami ; aahon nga tayo : sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa ating kamay : at ito ang magiging tanda sa atin . At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo : at sinabi ng mga Filisteo : Narito , ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan . At sumagot ang mga lalake sa pulutong kay Jonathan at sa kaniyang tagadala ng sandata , at sinabi , Ahunin ninyo kami , at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay . At sinabi ni Jonathan sa kaniyang tagadala ng sandata , Umahon ka na kasunod ko : sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel . At gumapang si Jonathan ng kaniyang mga kamay at ng kaniyang mga paa , at ang kaniyang tagadala ng sandata ay kasunod niya . At sila'y nangabuwal sa harap ni Jonathan ; at ang mga yao'y pinagpapatay ng kaniyang tagadala ng sandata na kasunod niya . At yaon ang unang pagpatay na ginawa ni Jonathan at ng kaniyang tagadala ng sandata , sa may dalawang pung lalake , sa may pagitan ng kalahating akre ng lupa . At nagkaroon ng panginginig sa kampamento , sa parang , at sa buong bayan : ang pulutong at ang mga mananamsam ay nagsipanginig din ; lumindol ; sa gayo'y nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig . At ang mga bantay ni Saul sa Gabaa ng Benjamin ay tumanaw ; at , narito , ang karamihan ay nawawala at sila'y nagparoo't parito . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa bayan na kasama niya , Magbilang kayo ngayon at inyong tingnan kung sino ang umalis sa atin . At nang sila'y magbilang , narito , si Jonathan at ang kaniyang tagadala ng sandata ay wala roon . At sinabi ni Saul kay Achias , Dalhin ninyo rito ang kaban ng Dios . Sapagka't ang kaban ng Dios ay nandoon nang panahong yaon sa mga anak ni Israel . At nangyari , samantalang nagsasalita si Saul sa saserdote , na ang kaingay na nasa kampamento ng mga Filisteo ay lumala ng lumala : at sinabi ni Saul sa saserdote , Iurong mo ang iyong kamay . At nagpipisan si Saul at ang buong bayan na nasa kaniya at naparoon sa pakikibaka : at , narito , ang tabak ng bawa't isa ay laban sa kaniyang kasama , at nagkaroon ng malaking pagkalito . Ang mga Hebreo nga na napasa mga Filisteo nang una , na umahong kasama nila sa kampamento mula sa palibot ng lupain , ay nagsibalik pa rin na nakipisan sa mga Israelita na kasama ni Saul at ni Jonathan . Gayon din ang mga lalake sa Israel na nagsikubli sa lupaing maburol ng Ephraim , na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas , ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka . Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon : at ang pagbabaka ay napalipat sa Beth-aven . At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon : sapagka't ibinilin ni Saul sa bayan , na sinasabi , Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan , at ako'y nakaganti sa aking mga kaaway . Sa gayo'y wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain . At ang buong bayan ay naparoon sa gubat ; at may pulot sa ibabaw ng lupa . At nang dumating ang bayan sa gubat , narito , ang pulot ay tumutulo nguni't walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig ; sapagka't ang bayan ay natakot sa sumpa . Nguni't hindi narinig ni Jonathan , nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa : kaya't kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot , at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig , at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag . Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa bayan , at nagsabi , Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa , na sinasabi , Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito . At ang bayan ay pata . Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan , Binagabag ng aking ama ang lupain : tingnan ninyo , isinasamo ko sa inyo , kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag , sapagka't ako'y lumasa ng kaunti sa pulot na ito . Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan ? sapagka't hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo . At kanilang sinaktan ang mga Filisteo nang araw na yaon mula sa Michmas hanggang sa Ajalon : at ang bayan ay totoong pata . At ang bayan ay dumaluhong sa samsam , at kumuha ng mga tupa , at mga baka , at mga guyang baka , at mga pinatay sa lupa : at kinain ng bayan pati ng dugo . Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul , na sinasabi , Narito , ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon , sa kanilang pagkain ng dugo . At kaniyang sinabi , Kayo'y gumawang may paglililo : inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito . At sinabi ni Saul , Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila , Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka , at ng bawa't tao ang kaniyang tupa , at patayin dito , at kanin ; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo . At dinala ng buong bayan , bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon . At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon : yaon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon . At sinabi ni Saul , Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan , at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga , at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila . At kanilang sinabi , Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo . Nang magkagayo'y sinabi ng saserdote , Tayo'y lumapit dito sa Dios . At si Saul ay humingi ng payo sa Dios : Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo ? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel ? Nguni't hindi siya sinagot nang araw na yaon . At sinabi ni Saul , Lumapit kayo rito , kayong lahat na puno ng bayan : at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito . Sapagka't buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel , na kahit si Jonathan na aking anak , ay walang pagsalang mamatay . Nguni't walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya . Nang magkagayo'y sinabi niya sa buong Israel , Lumagay kayo sa isang dako , at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako . At sinabi ng bayan kay Saul , Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo . Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon , sa Dios ng Israel , Ituro mo ang matuwid . At si Jonathan at si Saul ay napili : nguni't ang bayan ay nakatanan . At sinabi ni Saul , Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak : at si Jonatan ay napili . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay Jonathan , Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa . At isinaysay ni Jonathan sa kaniya , at sinabi , Tunay na ako'y lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay : at , narito , ako'y marapat mamatay . At sinabi ni Saul , Gawing gayon ng Dios at lalo na : sapagka't ikaw ay walang pagsalang mamamatay , Jonathan . At sinabi ng bayan kay Saul , Mamamatay ba si Jonathan , na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel ? Malayo nawa : buhay ang Panginoon , hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa ; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito . Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan , na anopa't siya'y hindi namatay . Nang magkagayo'y umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo : at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako . Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel , ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako , laban sa Moab , at laban sa mga anak ni Ammon , at laban sa Edom , at laban sa mga hari sa Soba , at laban sa mga Filisteo : at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila . At kaniyang ginawang may katapangan , at sinaktan ang mga Amalecita , at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila . Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan , at si Isui , at si Melchi-sua : at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito ; ang pangalan ng panganay ay Merab , at ang pangalan ng bata ay Michal : At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam , na anak ni Aimaas : at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner , amain ni Saul . At si Cis ay ama ni Saul ; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel . At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul : at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake , o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama . At sinabi ni Samuel kay Saul , Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan , sa Israel : ngayon nga'y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel , kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan , nang siya'y umahon mula sa Egipto . Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec , at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik , at huwag kang manghinayang sa kanila ; kundi patayin mo ang lalake at babae , sanggol at sumususo , baka at tupa , kamelyo at asno . At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim , dalawang yutang lalake na naglalakad , at sangpung libong lalake sa Juda . At dumating si Saul sa bayan ng Amalec , at bumakay sa libis . At sinabi ni Saul sa mga Cineo , Kayo'y magsiyaon , humiwalay kayo at umalis kayo sa gitna ng mga Amalecita , baka kayo'y lipulin kong kasama nila ; sapagka't kayo'y nagpakita ng kagandahang loob sa mga anak ni Israel , nang sila'y umahong mula sa Egipto . Sa gayo'y umalis ang mga Cineo sa gitna ng mga Amalecita . At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa Shur , na nasa tapat ng Egipto . At kaniyang kinuhang buhay si Agag na hari ng mga Amalecita , at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak . Nguni't pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag , at ang pinakamabuti sa mga tupa , sa mga baka , at sa mga pinataba , at sa mga kordero , at lahat ng mabuti , at yaong mga hindi nila lubos na nilipol : nguni't bawa't bagay na hamak at walang kabuluhan , ay kanilang lubos na nilipol . Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel , na sinasabi , Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul ; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin , at hindi tinupad ang aking mga utos . At si Samuel ay nagalit , at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi . At si Samuel ay bumangong maaga upang salubungin si Saul sa kinaumagahan ; at nasaysay kay Samuel , na sinasabi , Si Saul ay naparoon sa Carmel , at , narito , ipinagtayo niya siya ng isang monumento , at siya'y lumibot at nagpatuloy , at lumusong sa Gilgal . At naparoon si Samuel kay Saul , at sinabi ni Saul sa kaniya , Pagpalain ka nawa ng Panginoon , aking tinupad ang utos ng Panginoon . At sinabi ni Samuel , Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig , at ng ungal ng mga baka na aking naririnig ? At sinabi ni Saul , Sila'y dinala mula sa mga Amalecita : sapagka't ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka , upang ihain sa Panginoon mong Dios ; at ang natira ay aming lubos na nilipol . Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel kay Saul , Tumigil ka , at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito . At sinabi niya sa kaniya , Sabihin mo . At sinabi ni Samuel , Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin , hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel ? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel ; At sinugo ka ng Panginoon sa isang paglalakbay , at sinabi , Ikaw ay yumaon , at iyong lubos na lipulin ang mga makasalanang Amalecita , at labanan mo sila hanggang sa sila'y malipol . Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon , kundi ikaw ay dumaluhong sa pananamsam , at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon ? At sinabi ni Saul kay Samuel , Oo , aking sinunod ang tinig ng Panginoon , at ako'y yumaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon , at aking dinala si Agag na hari ng Amalec , at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita . Nguni't ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka , ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay , upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal . At sinabi ni Samuel , Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain , na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon ? Narito , ang pagsunod ay maigi kay sa hain , at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake . Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula , at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap . Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon , ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari . At sinabi ni Saul kay Samuel , Ako'y nagkasala ; sapagka't ako'y sumalangsang sa utos ng Panginoon , at sa iyong mga salita ; sapagka't ako'y natakot sa bayan , at sumunod sa kanilang tinig . Ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo , ipatawad mo ang aking kasalanan , at bumalik ka uli na kasama ko , upang ako'y sumamba sa Panginoon . At sinabi ni Samuel kay Saul , Hindi ako babalik na kasama mo ; sapagka't iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon , at itinakuwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maging hari sa Israel . At nang pumihit si Samuel upang yumaon , siya'y pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal , at nahapak . At sinabi ni Samuel sa kaniya , Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito , at ibinigay sa iyong kapuwa , na maigi kay sa iyo . At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man ; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi . Nang magkagayo'y kaniyang sinabi , Ako'y nagkasala : gayon ma'y parangalan mo ako ngayon , isinasamo ko sa iyo , sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel , at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios . Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul ; at sumamba si Saul sa Panginoon . Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel , Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita . At masayang naparoon si Agag sa kaniya . At sinabi ni Agag , Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na . At sinabi ni Samuel , Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae , ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak , sa gitna ng mga babae . At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal . Nang magkagayo'y naparoon si Samuel sa Rama , at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa Gabaa ni Saul . At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan ; sapagka't tinangisan ni Samuel si Saul : at ang Panginoon ay nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel . At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel ? Punuin mo ng langis ang iyong sungay , at ikaw ay yumaon , susuguin kita kay Isai na Bethlehemita : sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari . At sinabi ni Samuel , Paanong ako'y paroroon ? Kung mabalitaan ni Saul , ay kaniyang papatayin ako . At sinabi ng Panginoon , Magdala ka ng isang dumalagang baka , at iyong sabihin , Ako'y naparito upang maghain sa Panginoon . At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin ; at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin . At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem . At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig , at nagsabi , Naparirito ka bang may kapayapaan ? At kaniyang sinabi , May kapayapaan : ako'y naparito upang maghain sa Panginoon : magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain . At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak , at tinawag niya sila sa paghahain . At nangyari , nang sila'y dumating na siya'y tumingin kay Eliab , at nagsabi , Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya . Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel , Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha , o ang taas ng kaniyang kataasan ; sapagka't aking itinakuwil siya : sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao : sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha , nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso . Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si Abinadab , at pinaraan niya sa harap ni Samuel . At kaniyang sinabi , Kahit ito man , ay hindi pinili ng Panginoon . Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si Samma . At kaniyang sinabi , Kahit ito man , ay hindi pinili ng Panginoon . At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel . At sinabi ni Samuel kay Isai , Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito . At sinabi ni Samuel kay Isai , Narito ba ang iyong lahat na anak ? At kaniyang sinabi , Natitira pa ang bunso , at , narito , siya'y nag-aalaga sa mga tupa . At sinabi ni Samuel kay Isai , Ipasundo mo siya ; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito . At siya'y nagsugo , at sinundo siya roon . Siya nga'y may mapulang pisngi , may magandang bikas , at mabuting anyo . At sinabi ng Panginoon , Tumindig ka : pahiran mo siya ng langis , sapagka't ito nga . Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis , at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid : at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin . Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama . Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul , at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya . At sinabi ng mga bataan ni Saul sa kaniya , Narito ngayon , isang masamang espiritu na mula sa Dios ay bumabagabag sa iyo . Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa ; at mangyayari , pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na siya'y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti . At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan , Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti , at dalhin ninyo sa akin siya . Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan , at nagsabi , Narito , aking nakita ang isang anak ni Isai na Bethlehemita , na bihasa sa panunugtog , at makapangyarihang lalake na may tapang , at lalaking mangdidigma , at matalino sa pananalita , at makisig na lalake , at ang Panginoon ay sumasa kaniya . Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai , at sinabi , Suguin mo sa akin si David na iyong anak , na nasa kawan ng mga tupa . At kumuha si Isai ng isang asno na may pasang tinapay , at isang balat ng alak , at isang anak ng kambing , at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak . At dumating si David kay Saul at tumayo sa harap niya : at minahal niya siyang mainam ; at siya'y naging tagadala ng sandata niya . At nagpasabi si Saul kay Isai , Isinasamo ko sa iyo na bayaang tumayo si David sa harapan ko , sapagka't siya'y nakasumpong ng biyaya sa aking paningin . At nangyari , pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul , ay kinukuha ni David ang alpa , at tinutugtog ng kaniyang kamay : gayon nagiginhawahan si Saul , at bumubuti , at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya . Ngayo'y pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang bumaka at sila'y nagpipisan sa Socho , na nauukol sa Juda , at nagsihantong sa pagitan ng Socho at ng Azeca , sa Ephesdammim . At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel , at nagsihantong sa libis ng Ela , at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga Filisteo . At nagsitayo ang mga Filisteo sa isang dako sa bundok , at tumayo ang Israel sa kabilang dako sa bundok : at may isang libis sa pagitan nila . At lumabas ang isang bayani sa kampamento ng mga Filisteo na nagngangalang Goliath , taga Gath , na ang taas ay anim na siko at isang dangkal . At siya'y mayroong isang turbanteng tanso , sa kaniyang ulo , at siya'y nasusuutan ng isang baluti sa katawan ; at ang bigat ng baluti ay limang libong siklong tanso . At siya'y mayroong kasuutang tanso sa kaniyang mga hita , at isang sibat na tanso sa pagitan ng kaniyang mga balikat . At ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi ; at ang dulo ng kaniyang sibat ay may anim na raang siklong bakal ang bigat : at ang kaniyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kaniya . At siya'y tumayo at humiyaw sa mga hukbo ng Israel , at nagsabi sa kanila , Bakit kayo'y lumabas na nagsihanay sa pakikipagbaka ? hindi ba ako'y Filisteo , at kayo'y mga lingkod ni Saul ? pumili kayo ng isang lalake sa inyo , at pababain ninyo siya sa akin . Kung siya'y makalaban sa akin at mapatay ako , magiging alipin nga ninyo kami ; nguni't kung ako'y manaig laban sa kaniya , at mapatay ko siya ay magiging alipin nga namin kayo at maglilingkod sa amin . At sinabi ng Filisteo , Aking hinahamon ang mga hukbo ng Israel sa araw na ito ; bigyan ninyo ako ng isang lalake , upang maglaban kami . At nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang mga salitang yaon ng Filisteo , sila'y nanglupaypay , at natakot na mainam . Si David nga ay anak niyaong Ephrateo sa Bethlehem-juda , na ang pangala'y Isai ; at may walong anak : at ang lalaking yaon ay matanda na sa mga kaarawan ni Saul na totoong napakatanda sa gitna ng mga tao . At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka : at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay , at ang kasunod niya ay si Abinadab , at ang ikatlo ay si Samma . At si David ang bunso : at ang tatlong pinakamatanda ay sumunod kay Saul . Nguni't si David ay nagpaparoo't parito mula kay Saul upang pasabsabin ang mga tupa ng kaniyang ama sa Bethlehem . At lumalapit ang Filisteo sa umaga at hapon , at humarap na apat na pung araw . At sinabi ni Isai kay David na kaniyang anak , Dalhin mo ngayon sa iyong mga kapatid ang isang epa nitong trigo na sinangag , at itong sangpung tinapay , at dalhin mong madali sa kampamento , sa iyong mga kapatid ; At dalhin mo ang sangpung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo , at tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid , at kumuha ka ng pinakakatunayan . Si Saul nga , at sila at ang lahat ng mga lalake ng Israel ay nasa libis ng Ela , na nakikipaglaban sa mga Filisteo . At si David ay bumangong maaga sa kinaumagahan , at iniwan ang tupa na may isang tagapagalaga , at nagdala at yumaon , na gaya ng iniutos sa kaniya ni Isai ; at siya'y naparoon sa kinaroroonan ng mga karo , habang ang hukbo na lumalabas sa pakikipaglaban ay sumisigaw ng pakikipagbaka . At ang Israel at ang mga Filisteo ay nakahanay na sa pagbabaka , hukbo laban sa hukbo . At iniwan ni David ang kaniyang daladalahan sa kamay ng tagapagingat ng daladalahan , at tumakbo sa hukbo , at naparoon , at bumati sa kaniyang mga kapatid . At sa kaniyang pakikipagusap sa kanila , narito , dumating ang bayani , ang Filisteo na taga Gath , na Goliath ang pangalan , mula sa hanay ng mga Filisteo , at nagsalita ng ayon sa mga gayon ding salita : at narinig ni David . At lahat ng mga lalake sa Israel pagkakita sa lalaking yaon ay tumakas mula sa kaniyang harapan , at natakot na mainam . At ang mga lalake ng Israel ay nagsabi , Nakita ba ninyo ang lalaking iyan na sumasampa ? Tunay na sumasampa siya upang manghamon sa Israel : at mangyayari , na ang lalaking makapatay sa kaniya , ay payayamanin ng hari ng malaking kayamanan , at ibibigay sa kaniya ang kaniyang anak na babae , at palalayain sa Israel ang sangbahayan ng kaniyang ama . At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya , na nagsasabi , Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito , at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito ? sapagka't sinong Filisteong ito na hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng buhay na Dios ? At sumagot sa kaniya ang bayan , ng ganitong paraan , na sinabi , Ganito ang gagawin sa lalake na makapatay sa kaniya . At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid , nang siya'y magsalita sa mga lalake ; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David , at kaniyang sinabi , Bakit ka lumusong dito ? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang ? Talastas ko ang iyong kahambugan , at ang kalikutan ng iyong puso ; sapagka't ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka . At sinabi ni David , Anong aking ginawa ngayon ? Wala bang dahilan ? At tinalikdan niya siya na napatungo sa iba , at siya'y nagsalita ng gayon ding paraan : at sinagot siya uli ng bayan na gaya ng una . At nang marinig ang mga salita na sinalita ni David , ay sinaysay nila sa harap ni Saul ; at siya'y ipinasundo niya . At sinabi ni David kay Saul , Huwag manglupaypay ang puso ng sinoman dahil sa kaniya ; ang iyong lingkod ay yayaon at makikipaglaban sa Filisteong ito . At sinabi ni Saul kay David : Hindi ka makaparoroon laban sa Filisteong ito upang makipaglaban sa kaniya : sapagka't ikaw ay isang bata , at siya'y isang lalaking mangdidigma mula sa kaniyang pagkabata . At sinabi ni David kay Saul , Ang iyong lingkod ay nagaalaga ng mga tupa ng kaniyang ama ; at pagka pumaroon ang isang leon , o isang oso , at kinukuha ang isang kordero sa kawan , Ay lumalabas akong hinahabol ko siya , at aking sinasaktan , at aking inililigtas sa kaniyang bibig : at pagka dinadaluhong ako ay aking pinapangahan , at aking sinasaktan , at aking pinapatay . Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso : at ang Filisteong ito na hindi tuli ay magiging isa sa kanila , yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay . At sinabi ni David , Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon , at sa pangamot ng oso , ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito . At sinabi ni Saul kay David , Yumaon ka , at ang Panginoon ay sasa iyo . At sinandatahan ni Saul si David ng kaniyang mga sandata , at kaniyang inilagay ang isang turbanteng tanso sa kaniyang ulo , at kaniyang sinuutan siya ng isang baluti sa katawan . At ibinigkis ni David , ang tabak niya sa kaniyang sandata , at kaniyang tinikmang yumaon ; sapagka't hindi pa niya natitikman . At sinabi ni David kay Saul , Hindi ako makayayaon na dala ko ang mga ito ; sapagka't hindi ko pa natitikman . At pawang hinubad ni David sa kaniya . At tinangnan niya ang kaniyang tungkod sa kaniyang kamay , at pumili siya ng limang makinis na bato mula sa batis , at isinilid sa supot na kaniyang dala , sa makatuwid baga'y sa kaniyang supot pastor ; at ang kaniyang panghilagpos ay nasa kaniyang kamay : at siya'y lumapit sa Filisteo . At nagpatuloy ang Filisteo at lumapit kay David ; at ang lalake na may dala ng kalasag ay nangunguna sa kaniya . At nang tumingin ang Filisteo , at makita si David , ay kaniyang niwalan ng kabuluhan siya ; sapagka't siya'y bata pa , at mapula ang pisngi , at may magandang bikas . At sinabi ng Filisteo kay David , Ako ba ay aso , na ikaw ay paririto sa akin na may mga tungkod ? At nilait ng Filisteo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga dios . At sinabi ng Filisteo kay David , Halika , at aking ibibigay ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang . Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo , Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak , at may malaking sibat at may kalasag ; nguni't ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon . Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay ; at sasaktan kita , at pupugutin ko ang ulo mo ; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito , at sa mababangis na hayop sa lupa ; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel : At upang maalaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat : sapagka't ang pagbabakang ito ay sa Panginoon , at ibibigay niya kayo sa aming kamay . At nangyari , nang bumangon ang Filisteo , at sumulong at lumapit upang salubungin si David , na si David ay nagmadali , at tumakbo sa dako ng kawal upang salubungin ang Filisteo . At isinuot ni David ang kaniyang kamay sa kaniyang supot ; at kumuha roon ng isang bato , at inihilagpos , at tinamaan ang Filisteo sa kaniyang noo ; at ang bato ay bumaon sa kaniyang noo , at nabuwal na pasubsob sa lupa . Sa gayo'y nanaig si David sa Filisteo sa pamamagitan ng isang panghilagpos at ng isang bato , at sinaktan ang Filisteo at pinatay niya siya ; nguni't walang tabak sa kamay ni David . Nang magkagayo'y tumakbo si David , at tinunghan ang Filisteo , at kinuha ang kaniyang tabak , at binunot sa kaniyang kaluban , at pinatay siya , at ipinagpugot ng kaniyang ulo . At nang makita ng mga Filisteo na ang kanilang bayani ay patay na , sila'y tumakas . At nagsibangon ang mga lalake ng Israel at ng Juda , at humiyaw at hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath , at sa mga pintuang-bayan ng Ecron . At ang mga sugatan sa mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa Saraim , hanggang sa Gath , at sa Ecron . At nagsibalik ang mga anak ni Israel sa paghabol sa mga Filisteo , at kanilang sinamsam ang kanilang kampamento . At kinuha ni David ang ulo ng Filisteo , at dinala sa Jerusalem ; nguni't kaniyang inilagay ang sandata niya sa kaniyang tolda . At nang makita ni Saul si David na lumalabas laban sa Filisteo , kaniyang sinabi kay Abner , na kapitan ng hukbo , Abner , kaninong anak ang batang ito ? At sinabi ni Abner , Buhay ang iyong kaluluwa , Oh hari , hindi ko masabi . At sinabi ng hari , Usisain mo kung kaninong anak ang batang ito . At pagbalik ni David sa pagpatay sa Filisteo , kinuha siya ni Abner , at dinala siya sa harap ni Saul na dala ang ulo ng Filisteo sa kaniyang kamay . At sinabi ni Saul sa kaniya , Kaninong anak ka , binata ? At sumagot si David , Ako'y anak ng iyong lingkod na si Isai na Bethlehemita . At nangyari , nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul , na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David , at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa . At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon , at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama . Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan , sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa . At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya , at ibinigay kay David , at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak , at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis . At lumalabas si David saan man suguin ni Saul , at siya'y nagpakabait : at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma , at minabuti ng paningin ng buong bayan , at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul . At nangyari pagdating nila , nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo , na ang mga babae ay lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel , na nagaawitan at nagsasayawan , upang salubungin ang haring si Saul , ng mga pandereta , ng kagalakan , at ng panugtog ng tugtugin . At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog , at sinasabi , Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo , At ni David ang kaniyang laksa-laksa . At nagalit na mainam si Saul at ang sabing ito ay isinama niya ng loob ; at kaniyang sinabi , Kanilang inilagay kay David ay laksalaksa , at sa akin ay kanilang inilagay ang libolibo lamang : at ano na lamang ang kaniyang tatangkilikin kundi ang kaharian ? At inirapan ni Saul si David mula sa araw na yaon . At nangyari nang kinabukasan , na ang masamang espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul , at siya'y nanghula sa gitna ng bahay : at si David ay tumugtog ng kaniyang kamay , gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw ; at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay . At inihagis ni Saul ang sibat ; sapagka't kaniyang sinabi , Aking tutuhugin si David sa dinding . At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa . At natakot si Saul kay David , sapagka't ang Panginoon ay sumasakaniya , at nahiwalay na kay Saul . Kaya't inihiwalay ni Saul siya sa kaniya , at siya'y ginawa niyang punong kawal sa isang libo ; at siya'y naglalabas pumasok sa harap ng bayan . Nagpakabait si David sa lahat ng kaniyang kilos ; at ang Panginoon ay sumasakaniya . At nang makita ni Saul na siya'y nagpakabait , siya'y natakot sa kaniya . Nguni't minamahal ng buong Israel at Juda si David ; sapagka't siya'y naglalabas pumasok sa harap nila . At sinabi ni Saul kay David , Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si Merab ; siya'y aking ibibigay sa iyo na asawa : magpakatapang ka lamang dahil sa akin , at iyong ilaban ang mga pagbabaka ng Panginoon . Sapagka't sinabi ni Saul , Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay , kundi ang kamay ng mga Filisteo , ang magbuhat sa kaniya . At sinabi ni David kay Saul , Sino ako at ano ang aking buhay , o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel , upang maging manugang ako ng hari ? Nguni't nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul , ay ibinigay na asawa kay Adriel na Meholatita . At sinisinta ni Michal na anak na babae ni Saul si David : at kanilang isinaysay kay Saul , at ang bagay ay ikinalugod niya . At sinabi ni Saul , Aking ibibigay sa kaniya siya , upang siya'y maging silo sa kaniya , at upang ang kamay ng mga Filisteo ay maging laban sa kaniya . Kaya't sinabing ikalawa ni Saul kay David : Ikaw ay magiging aking manugang sa araw na ito . At iniutos ni Saul sa kaniyang mga lingkod , na sinasabi , Makipagusap kayo kay David ng lihim , at inyong sabihin , Narito , kinatutuwaan ka ng hari at minamahal ka ng lahat ng kaniyang mga lingkod : ngayon nga ay maging manugang ka ng hari . At sinalita ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang yaon sa pakinig ni David . At sinabi ni David , Inaakala ba ninyo na magaang bagay ang maging manugang ng hari , dangang ako'y isang dukhang tao at niwawalang kabuluhan ? At isinaysay ng mga lingkod ni Saul sa kaniya , na sinabi , Ganitong paraan nagsalita si David . At sinabi ni Saul , Ganito ang inyong sasabihin kay David : Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya , kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo , upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari . Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo . At nang saysayin ng kaniyang mga lingkod kay David ang mga salitang ito , ay ikinalugod na mabuti ni David na maging manugang siya ng hari . At ang mga araw ay hindi pa nagaganap ; At tumindig si David at yumaon , siya at ang kaniyang mga lalake , at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake ; at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama , at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari , upang siya'y maging manugang ng hari . At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae . At nakita at nalaman ni Saul na ang Panginoon ay sumasa kay David ; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul . At si Saul ay lalong natatakot kay David ; at naging kaaway ni David si Saul na palagi . Nang magkagayo'y lumabas ang mga pangulo ng mga Filisteo : at nangyari , na sa tuwing sila'y lumalabas ay nagpakabait si David kay sa lahat ng mga lingkod ni Saul ; sa gayon ang kaniyang pangalan ay lalong namahal . At nagsalita si Saul kay Jonathan na kaniyang anak , at sa lahat ng kaniyang mga lingkod , na kanilang patayin si David . Nguni't si Jonathan na anak ni Saul ay naliligayang mainam kay David . At isinaysay ni Jonathan kay David , na sinasabi , Pinagsisikapan ni Saul na aking ama na patayin ka : ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo , na magingat ka sa kinaumagahan , at manatili sa isang lihim na dako , at magtago ka : At ako'y lalabas at tatayo sa siping ng aking ama sa parang na iyong kinaroroonan , at ako'y makikipagusap sa aking ama ng tungkol sa iyo ; at kung may makita akong anoman , ay aking sasaysayin sa iyo . At nagsalita si Jonathan kay Saul na kaniyang ama , ng mabuti tungkol kay David , at sinabi sa kaniya , Huwag magkasala ang hari laban sa kaniyang lingkod na si David ; sapagka't hindi siya nagkasala laban sa iyo ; at sapagka't ang kaniyang mga gawa ay naging mabuti sa iyo : Sapagka't kaniyang ipinain ang kaniyang buhay , at sinaktan ang Filisteo , at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel : nakita mo at nagalak ka ; bakit nga magkakasala ka laban sa walang salang dugo , na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan ? At dininig ni Saul ang tinig ni Jonathan ; at sumumpa si Saul : Buhay ang Panginoon , siya'y hindi papatayin . At tinawag ni Jonathan si David , at isinaysay ni Jonathan sa kaniya ang lahat ng mga bagay na yaon . At dinala ni Jonathan si David kay Saul , at siya'y lumagay sa kaniyang harap , na gaya ng dati . At nagkaroong muli ng digma : at lumabas si David , at nakipaglaban sa mga Filisteo , at pumatay sa kanila ng malaking pagpatay ; at sila'y tumakas sa harap niya . At isang espiritung masama na mula sa Panginoon ay suma kay Saul , nang siya'y nakaupo sa kaniyang bahay na tangan niya ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay ; at tumugtog si David sa pamamagitan ng kaniyang kamay . At pinagsikapan ni Saul na tuhugin ng sibat si David sa dinding ; nguni't siya'y nakatakas sa harap ni Saul at ang kaniyang tinuhog ng sibat ay ang dinding : at tumakas si David at tumanan ng gabing yaon . At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David , upang siya'y bantayan , at siya'y patayin sa kinaumagahan : at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David , na sinasabi , Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka . Kaya inihugos ni Michal si David sa isang dungawan , at siya'y yumaon , at tumakas , at tumanan . At kinuha ni Michal ang mga terap , at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing , at tinakpan ng mga kumot . At nang magsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David , kaniyang sinabi , Siya'y may sakit . At nagsugo si Saul ng mga sugo upang tingnan si David , na sinasabi , Ipanhik ninyo siya sa akin na nasa kaniyang higaan , upang aking patayin siya . At nang pumasok ang mga sugo , narito , ang mga terap at nasa higaan , pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon . At sinabi ni Saul kay Michal , Bakit mo ako dinaya ng ganiyan , at iyong pinaalis ang aking kaaway , na anopa't siya'y nakatanan ? At sumagot si Michal kay Saul , Kaniyang sinabi sa akin : Bayaan mo akong yumaon : bakit kita papatayin ? Si David nga ay tumakas , at tumanan , at naparoon kay Samuel sa Rama , at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya . At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth . At nasaysay kay Saul na sinasabi , Narito si David ay nasa Najoth sa Rama . At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David : at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula , at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila , ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul , at sila naman ay nanganghula . At nang maisaysay kay Saul , siya'y nagsugo ng ibang mga sugo , at sila man ay nanganghula . At si Saul ay nagsugo uli ng mga sugo na ikaitlo , at sila man ay nanganghula . Nang magkagayo'y naparoon din naman siya sa Rama , at dumating sa dakilang balon na nasa Socho : at siya'y tumanong , at nagsabi , Saan naroon si Samuel at si David ? At sinabi ng isa , Narito , sila'y nasa Najoth sa Rama . At siya'y naparoon doon sa Najoth sa Rama : at ang Espiritu ng Dios ay dumating din sa kaniya , at siya'y nagpatuloy , at nanghula hanggang sa siya'y dumating sa Najoth sa Rama . At siya rin nama'y naghubad ng kaniyang mga suot , at siya man ay nanghula sa harap ni Samuel , at nahigang hubad sa buong araw na yaon at sa buong gabing yaon . Kaya't kanilang sinasabi , Pati ba si Saul ay nasa gitna ng mga propeta ? At si David ay tumakas mula sa Najoth , na nasa Rama , at siya'y dumating at nagsabi sa harap ni Jonathan , Anong aking ginawa ? anong aking kasamaan ? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama , upang kaniyang usigin ang aking buhay ? At sinabi niya sa kaniya , Malayo nawa ; hindi ka mamamatay : narito , ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin : at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito ? hindi gayon . At gayon ma'y si David ay sumumpa , at nagsabi , Talastas na maigi ng iyong ama , na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ; at kaniyang sinasabi , Huwag maalaman ni Jonathan ito , baka siya'y magdalamhati ; nguni't buhay nga ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan . Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan kay David , Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo . At sinabi ni David kay Jonathan , Narito , bukas ay bagong buwan , at ako'y di marapat na di sumalo sa hari ; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw . Kung ako'y punahin ng iyong ama , iyo ngang sabihing , Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan : sapagka't siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan . Kung kaniyang sabihing ganito , Mabuti ; ang iyong lingkod ay matitiwasay ; nguni't kung siya'y magalit , talastasin mo nga na ang kasamaan ay ipinasiya niya . Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod ; sapagka't iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo ; nguni't kung magtaglay ako ng kasamaan , patayin mo ako ; sapagka't bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama ? At sinabi ni Jonathan , Malayo nawa sa iyo : sapagka't kung matalastas ko sa anomang paraan na ang kasamaan ay ipinasiya ng ama kong sumapit sa iyo , hindi ko ba sasaysayin sa iyo ? Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Jonathan , Sino ang magsasaysay sa akin , kung sakaling ang iyong ama ay sumagot sa iyo na may kagalitan ? At sinabi ni Jonathan kay David , Halika at tayo'y lumabas sa parang . At sila'y kapuwa lumabas sa parang . At sinabi ni Jonathan kay David , Ang Panginoon , ang Dios ng Israel , maging saksi ; pagka aking natarok ang aking ama sa oras na ito sa kinabukasan o sa ikatlong araw , narito , kung maging mabuti kay David , hindi ko nga ba pasasapitin sa iyo , at ipababatid sa iyo ? Kung mabutihin ng aking ama na gawan ka ng kasamaan , ay hatulan ng Panginoon si Jonathan , malibang ipabatid ko sa iyo at payaunin ka , upang ikaw ay yumaong payapa : at ang Panginoon ay sumaiyo nawa na gaya ng siya'y nasa aking ama . At huwag mangyari kailanman hanggang ako'y nabubuhay , na di mo ako pagpakitaan ng kagandahang loob ng Panginoon upang ako'y huwag mamatay : Subali't huwag mo ring ihihiwalay ang iyong kagandahang loob sa aking sangbahayan magpakailan man : huwag kahit man lipulin ng Panginoon ang lahat ng mga kaaway ni David sa balat ng lupa . Sa gayo'y nakipagtipan si Jonathan sa sangbahayan ni David , na sinabi , At hihingin ng Panginoon sa kamay ng mga kaaway ni David . At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya : sapagka't kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa . Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan sa kaniya , Bukas ay bagong buwan , at ikaw ay pupunahin , sapagka't sa iyong upuan ay walang nakaupo . At pagtatagal mo ng tatlong araw ay bababa kang madali at paroroon ka sa dakong iyong pinagtaguan ng araw na pag-usapan ito , at ikaw ay maghihintay sa tabi ng bato ng Ezel . At ako'y papana ng tatlong palaso sa dako niyaon na parang ako'y may pinatatamaan . At , narito , aking susuguin ang bata : Ikaw ay yumaon na hanapin mo ang mga palaso . Kung aking sabihin sa bata : Narito , ang mga palaso ay nangarito sa dako mo rito : pagkunin mo , at parito ka ; sapagka't may kapayapaan sa iyo at walang anoman , buhay ang Panginoon . Nguni't kung aking sabihing ganito sa bata : Narito , ang mga palaso ay nangasa dako mo pa roon : ituloy mo ang iyong lakad , sapagka't pinayaon ka ng Panginoon . At tungkol sa usap na ating pinagsalitaan , narito , ang Panginoon ay nasa gitna natin magpakailan man . Sa gayo'y nagkubli si David sa parang : at nang dumating ang bagong buwan , ang hari ay umupong kumain . At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga'y sa upuang nasa siping ng dinding ; at tumayo si Jonathan , at umupo si Abner sa siping ni Saul ; nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo . Gayon ma'y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon : sapagka't kaniyang inisip : May bagay na nangyari sa kaniya , siya'y hindi malinis ; tunay na siya'y hindi malinis . At nangyari nang kinabukasan , pagkaraan ng bagong buwan na ikalawang araw , na sa upuan ni David ay walang nakaupo , sinabi ni Saul kay Jonathan na kaniyang anak , Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain , ni kahapon , ni ngayon man . At sumagot si Jonathan kay Saul , Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem : At kaniyang sinabi , Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako ; sapagka't ang aming angkan ay may paghahain sa bayan ; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon ; at ngayon , kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ay bayaan mo akong yumaon , isinasamo ko sa iyo , at aking tingnan ang aking mga kapatid . Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari . Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan , at sinabi niya sa kaniya , Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae , hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo , at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina ? Sapagka't habang nabubuhay ang anak ni Isai sa ibabaw ng lupa , ikaw ay hindi mapapanatag ni ang iyong kaharian man . Kaya ngayo'y iyong ipasundo at dalhin siya sa akin , sapagka't siya'y walang pagsalang mamamatay . At sumagot si Jonathan kay Saul na kaniyang ama ; at nagsabi sa kaniya , Bakit siya papatayin ? anong kaniyang ginawa ? At inihandulong ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniya upang saktan siya ; na doon nakilala ni Jonathan na pasiya ng kaniyang ama na patayin si David . Sa gayo'y tumindig si Jonathan sa dulang na may mabangis na galit , at hindi kumain sa ikalawang araw ng buwan : sapagka't siya'y nagdalamhati dahil kay David , sapagka't hiniya siya ng kaniyang ama . At nangyari sa kinaumagahan , na si David ay nilabas ni Jonathan sa parang sa takdang panahon , at isang munting bata ang kasama niya . At sinabi niya sa kaniyang bataan , Takbo , hanapin mo ngayon ang mga palaso na aking ipinana . At pagtakbo ng bataan , kaniyang ipinana ang palaso sa dako roon niya . At nang dumating ang bataan sa dako ng palaso na ipinana ni Jonathan , sinigawan ni Jonathan ang bataan , at sinabi , Hindi ba ang palaso ay nasa dako mo pa roon ? At sinigawan ni Jonathan ang bataan , Tulin , magmadali ka , huwag kang tumigil . At pinulot ng bataan ni Jonathan ang mga palaso , at naparoon sa kaniyang panginoon . Nguni't hindi naalaman ng bataan ang anoman : si Jonathan at si David lamang ang nakaalam ng bagay . At ibinigay ni Jonathan ang kaniyang sandata sa kaniyang bataan , at sinabi sa kaniya , Yumaon ka , dalhin mo sa bayan . At pagkayaon ng bataan , si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan , at sumubsob sa lupa , at yumukod na makaitlo : at sila'y naghalikan , at umiyak kapuwa , hanggang si David ay humigit . At sinabi ni Jonathan kay David , Yumaon kang payapa , yamang tayo'y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi , Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin , at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi , magpakailan man . At siya'y bumangon at yumaon : at pumasok si Jonathan sa bayan . Nang magkagayo'y naparoon si David sa Nob kay Ahimelech na saserdote : at sinalubong si David ni Ahimelech na nanginginig , at sinabi sa kaniya , Bakit ka nagiisa , at walang taong kasama ka ? At si David ay nagsabi kay Ahimelech na saserdote , Inutusan ako ng hari ng isang bagay , at sinabi sa akin , Huwag maalaman ng sinoman ang bagay na aking isinusugo sa iyo , at ang aking iniutos sa iyo : at aking inilagay ang mga bataan sa gayo't gayong dako . Ngayon nga anong mayroon ka sa iyong kamay ? Bigyan mo ako ng limang tinapay sa aking kamay , o anomang mayroon ka . At sumagot ang saserdote kay David , at nagsabi , Walang karaniwang tinapay sa aking kamay , nguni't mayroong banal na tinapay ; kung disin ang mga bataan ay magpakalayo lamang sa mga babae . At sumagot si David sa saserdote , at nagsabi sa kaniya , Sa katotohanan ang mga babae ay nalayo sa amin humigit kumulang sa tatlong araw na ito ; nang ako'y lumabas ang mga daladalahan ng mga bataan ay banal , bagaman isang karaniwang paglalakad ; gaano pa kaya kabanal ngayon ang kanilang mga daladalahan ? Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay : sapagka't walang tinapay roon , kundi tinapay na handog , na kinuha sa harap ng Panginoon , upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha . Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon , na pinigil sa harap ng Panginoon : at ang kaniyang pangalan ay Doeg na Idumeo , na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul . At sinabi ni David kay Ahimelech , At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak ? sapagka't hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man , dahil sa ang bagay ng hari ay madalian . At sinabi ng saserdote , Ang tabak ni Goliath na Filisteo , na iyong pinatay sa libis ng Ela , narito , nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod : kung iyong kukunin yaon , kunin mo : sapagka't walang iba rito liban yaon . At sinabi ni David , Walang ibang gaya niyaon ; ibigay mo sa akin . At tumindig si David , at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul , at naparoon kay Achis na hari sa Gath . At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya , Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain ? Hindi ba pinagaawitanan siya sa mga sayaw , na sinasabi , Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo , At ni David ang kaniyang laksalaksa ? At iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso , at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath . At kaniyang binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay , at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan , at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas . Nang magkagayo'y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod , Narito , tingnan ninyo ang lalake ay ulol : bakit nga ninyo dinala siya sa akin ? Kulang ba ako ng mga ulol , na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan ? papasok ba ang taong ito sa aking bahay ? Umalis nga si David doon , at tumakas sa yungib ng Adullam : at nang mabalitaan ng kaniyang mga kapatid at ng sangbahayan ng kaniyang ama , kanilang nilusong siya roon . At bawa't isa na napipighati , at bawa't isa na may utang , at bawa't isa na may kalumbayan ay nakipisan sa kaniya ; at siya'y naging punong kawal nila : at nagkaroon siya ng may apat na raang tao . At naparoon si David mula roon sa Mizpa ng Moab , at kaniyang sinabi sa hari sa Moab : Isinasamo ko sa iyo na ang aking ama at aking ina ay makalabas , at mapasama sa inyo , hanggang sa aking maalaman kung ano ang gagawin ng Dios sa akin . At kaniyang dinala sila sa harap ng hari sa Moab : at sila'y tumahan na kasama niya buong panahon na si David ay nasa moog . At sinabi ng propetang si Gad kay David , Huwag kang tumahan sa moog ; ikaw ay yumaon at pumasok sa lupain ng Juda . Nang magkagayo'y yumaon si David , at pumasok sa gubat ng Hareth . At nabalitaan ni Saul na si David ay nasumpungan , at ang mga lalake na kasama niya : si Saul nga'y nauupo sa Gabaa sa ilalim ng punong tamarisko sa Rama , na tangan ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay , at ang lahat ng kaniyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot niya . At sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod na nakatayo sa palibot niya , Dinggin ninyo ngayon , mga Benjamita ; bibigyan ba ng anak ni Isai ang bawa't isa sa inyo ng mga bukiran at mga ubasan , gagawin ba niya kayong lahat na mga punong kawal ng lilibuhin at mga punong kawal ng dadaanin ; Upang kayong lahat ay magsipagsuwail laban sa akin , at walang nagpakilala sa akin nang gawin ng aking anak ang isang pakikipagtipan sa anak ni Isai , at wala sinoman sa inyo na nagdamdam dahil sa akin , o nagpakilala sa akin na ang aking anak ay humihikayat sa aking lingkod laban sa akin upang bumakay , gaya sa araw na ito ? Nang magkagayo'y sumagot si Doeg na Idumeo na nakatayo sa siping ng mga lingkod ni Saul , at nagsabi , Aking nakita ang anak ni Isai na naparoroon sa Nob , kay Ahimelech na anak ni Ahitob . At isinangguni niya siya sa Panginoon , at binigyan siya ng mga pagkain , at ibinigay sa kaniya ang tabak ni Goliath na Filisteo . Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari si Ahimelech na saserdote na anak ni Ahitob , at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama , na mga saserdote na nasa Nob , at sila'y naparoong lahat sa hari . At sinabi ni Saul , Iyong dinggin ngayon , ikaw na anak ni Ahitob . At siya'y sumagot . Narito ako , panginoon ko . At sinabi ni Saul sa kaniya , Bakit kayo ay nagsipagsuwail laban sa akin , ikaw , at ang anak ni Isai , na iyong binigyan siya ng tinapay , at ng tabak , at isinangguni siya sa Dios upang siya'y bumangon laban sa akin na bumakay , gaya sa araw na ito ? Nang magkagayo'y sumagot si Ahimelech sa hari , at nagsabi , At sino sa gitna ng lahat ng iyong mga lingkod ang tapat na gaya ni David , na manugang ng hari , at tinatanggap sa iyong pulong , at karangaldangal sa iyong bahay ? Pinasimulan ko bang isangguni siya ngayon sa Dios ? malayo sa akin : huwag ibintang ng hari ang anomang bagay sa kaniyang lingkod , o sa buong sangbahayan man ng aking ama : sapagka't walang nalalamang bagay ang iyong lingkod tungkol sa lahat na ito , munti o malaki . At sinabi ng hari , Ikaw ay walang pagsalang mamamatay , Ahimelech , ikaw at ang buong sangbahayan ng iyong ama . At sinabi ng hari sa bantay na nangakatayo sa palibot niya , Pumihit kayo at patayin ninyo ang mga saserdote ng Panginoon ; sapagka't ang kanilang kamay man ay sumasa kay David , at sapagka't kanilang nalaman na siya'y tumakas , at hindi nila ipinakilala sa akin . Nguni't hindi inibig ng mga lingkod ng hari na iunat ang kanilang kamay upang daluhungin ang mga saserdote ng Panginoon . At sinabi ng hari kay Doeg : Pumihit ka , at iyong daluhungin ang mga saserdote . At pumihit si Doeg na Idumeo , at kaniyang dinaluhong ang mga saserdote , at kaniyang pinatay nang araw na yaon ay walong pu't limang lalake na nagsusuot ng epod na lino . At sinugatan ng talim ng tabak ang Nob , ang bayan ng mga saserdote , ang mga lalake at gayon din ang mga babae , ang mga bata at ang mga pasusuhin , at ang mga baka at mga asno at mga tupa , ng talim ng tabak . At isa sa mga anak ni Ahimelech na anak ni Ahitob na nagngangalang Abiathar ay tumanan , at tumakas na sumunod kay David . At isinaysay ni Abiathar kay David na pinatay na ni Saul ang mga saserdote ng Panginoon . At sinabi ni David kay Abiathar , Talastas ko nang araw na yaon na si Doeg na Idumeo ay naroon , na kaniyang tunay na sasaysayin kay Saul : ako'y naging kadahilanan ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa sangbahayan ng iyong ama . Matira kang kasama ko , huwag kang matakot ; sapagka't siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay : sapagka't kasama kita ay maliligtas ka . At kanilang isinaysay kay David , na sinasabi , Narito , ang mga Filisteo ay nakikipaglaban sa Keila , at kanilang ninanakaw ang mga giikan . Kaya't sumangguni si David sa Panginoon , na nagsasabi , Yayaon ba ako at aking sasaktan ang mga Filisteong ito ? At sinabi ng Panginoon kay David , Yumaon ka at iyong saktan ang mga Filisteo , at iligtas mo ang Keila . At sinabi ng mga lalake ni David sa kaniya , Narito , tayo'y natatakot dito sa Juda : gaano pa nga kaya kung tayo ay pumaroon sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo ? Nang magkagayo'y sumangguni uli si David sa Panginoon . At sumagot ang Panginoon sa kaniya at sinabi , Bumangon ka at lumusong ka sa Keila ; sapagka't aking ibibigay ang mga Filisteo , sa iyong kamay . At si David at ang kaniyang mga lalake ay naparoon sa Keila , at bumaka sa mga Filisteo , at dinala ang kanilang kawan , at pinatay nila sila ng malaking pagpatay . Gayon iniligtas ni David ang mga tumatahan sa Keila . At nangyari nang makatakas si Abiathar na anak ni Ahimelech kay David sa Keila , na siya'y lumusong na may isang epod sa kaniyang kamay . At nasaysay kay Saul na si David ay naparoon sa Keila . At sinabi ni Saul , Ibinigay ng Dios siya sa aking kamay ; sapagka't siya'y nasarhan sa kaniyang pagpasok sa isang bayan na mayroong mga pintuang-bayan at mga halang . At tinawag ni Saul ang buong bayan sa pakikidigma , upang lumusong sa Keila na kubkubin si David at ang kaniyang mga tao . At naalaman ni David na nagiisip si Saul ng masama laban sa kaniya ; at kaniyang sinabi kay Abiathar na saserdote , Dalhin mo rito ang epod . Nang magkagayo'y sinabi ni David , Oh Panginoon , na Dios ng Israel , tunay na nabalitaan ng iyong lingkod na pinagsisikapan ni Saul na pumaroon sa Keila , upang ipahamak ang bayan dahil sa akin . Ibibigay ba ako ng mga tao sa Keila sa kaniyang kamay ? lulusong ba si Saul ayon sa nabalitaan ng iyong lingkod ? Oh Panginoon , na Dios ng Israel , idinadalangin ko sa iyo , na saysayin mo sa iyong lingkod . At sinabi ng Panginoon , Siya'y lulusong . Nang magkagayo'y sinabi ni David , Ibibigay ba ng mga tao sa Keila ako at ang aking mga tao sa kamay ni Saul ? At sinabi ng Panginoon , Ibibigay ka nila . Nang magkagayo'y si David at ang kaniyang mga tao na anim na raan , ay tumindig at umalis sa Keila , at naparoon kung saan sila makakaparoon . At nasaysay kay Saul na si David ay tumanan sa Keila , at siya'y tumigil ng paglabas . At si David ay tumahan sa ilang sa mga katibayan , at nanira sa lupaing maburol sa ilang ng Ziph . At pinag-uusig siya ni Saul araw-araw , nguni't hindi siya ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay . At nakita ni David na lumalabas si Saul upang usigin ang kaniyang buhay : at si David ay nasa ilang ng Ziph sa gubat . At si Jonathan na anak ni Saul ay bumangon , at naparoon kay David sa gubat , at pinagtibay ang kaniyang kamay sa Dios . At sinabi niya sa kaniya , Huwag kang matakot : sapagka't hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na aking ama ; at ikaw ay magiging hari sa Israel , at ako'y magiging pangalawa mo ; at nalalamang gayon ni Saul na aking ama . At silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon : at si David ay tumahan sa gubat , at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay . Nang magkagayo'y inahon ng mga Zipheo si Saul , sa Gabaa , na sinasabi , Hindi ba nagkukubli sa amin si David sa mga katibayan sa gubat , sa burol ng Hachila , na nasa timugan ng ilang ? Ngayon nga , Oh hari , lumusong ka , ayon sa buong adhika ng iyong kalooban na lumusong ; at ang aming bahagi ay ibibigay sa kamay ng hari . At sinabi ni Saul , Pagpalain nawa kayo ng Panginoon ; sapagka't kayo'y nahabag sa akin . Kayo'y yumaon , isinasamo ko sa inyo , inyong turuling maigi , at alamin at tingnan ang kaniyang kinaroroonan , at kung sino ang nakakita sa kaniya roon : sapagka't nasaysay sa akin na siya'y nagpapakatalino . Inyo ngang tingnan , at alamin ang mga kublihang dako na kaniyang pinagtataguan , at bumalik kayo sa akin na may katunayan , at ako'y paroroong kasama ninyo : at mangyayari , kung siya'y nasa lupain , ay aking sisiyasatin siya sa gitna ng lahat ng mga libolibo sa Juda . At sila'y tumindig at naparoon sa Ziph na nagpauna kay Saul : nguni't si David at ang kaniyang mga tao ay nasa ilang ng Maon sa Araba sa timugan ng ilang . At si Saul at ang kaniyang mga tao ay naparoon upang pag-usigin siya . At kanilang sinaysay kay David : kaya't siya'y lumusong sa burol na bato at tumahan sa ilang ng Maon . At nang mabalitaan ni Saul , kaniyang hinabol si David sa ilang ng Maon . At naparoon si Saul sa dakong ito ng bundok , at si David at ang kaniyang mga tao ay sa dakong yaon ng bundok : at si David ay nagmadaling umalis dahil sa takot kay Saul ; sapagka't kinukubkob ni Saul at ng kaniyang mga tao si David at ang kaniyang mga tao upang sila'y hulihin . Nguni't dumating ang isang sugo kay Saul , na nagsasabi , Magmadali ka at parito ka ; sapagka't ang mga Filisteo ay sumalakay sa lupain . Sa gayo'y bumalik si Saul na mula sa paghabol kay David , at naparoon laban sa mga Filisteo : kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Sela-hammahlecoth . At si David ay umahon mula roon , at tumahan sa mga katibayan ng En-gaddi . At nangyari , nang si Saul ay bumalik na mula sa paghabol sa mga Filisteo , na nasaysay sa kaniya , na sinasabi , Narito , si David ay nasa ilang ng En-gaddi . Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalake sa buong Israel , at yumaong inusig si David at ang kaniyang mga lalake sa mga bundok ng maiilap na kambing . At siya'y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan , na kinaroroonan ng isang yungib ; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa . Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib . At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya , Narito , ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo , Narito , aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay , at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo . Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul . At nangyari pagkatapos , na nagdamdam ang puso ni David , sapagka't kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul . At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake , Huwag itulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon , na pinahiran ng langis ng Panginoon , na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya , yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon . Sa gayo'y pinigilan ni David ang kaniyang mga tao ng mga salitang ito , at hindi niya sila binayaang bumangon laban kay Saul . At tumindig si Saul sa yungib at nagpatuloy ng kaniyang lakad . Si David naman ay tumindig pagkatapos , at lumabas sa yungib , at hiniyawan si Saul , na sinasabi , Panginoon ko na hari . At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa , at nagbigay galang . At sinabi ni David kay Saul , Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao , na nagsasabi , Narito , pinagsisikapan kang saktan ni David ? Narito , nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib : at sinabi sa akin ng iba na patayin kita : nguni't hindi kita inano ; at aking sinabi , Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon ; sapagka't siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon . Bukod dito'y iyong tingnan , ama ko , oo , tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay : sapagka't sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay , talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay , at hindi ako nagkasala laban sa iyo , bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin . Hatulan tayo ng Panginoon , at ipanghiganti ako ng Panginoon sa iyo : nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay . Gaya ng sabi ng kawikaan ng mga matanda : Sa masama magmumula ang kasamaan : nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay . Sinong nilabas ng hari ng Israel ? sinong hinahabol mo ? isang patay na aso , isang kuto . Maging hukom nga ang Panginoon , at hatulan tayo , at tingnan , at ipagsanggalang ang aking usap , at iligtas ako sa iyong kamay . At nangyari , nang makatapos si David ng pagsasalita ng mga salitang ito kay Saul , ay sinabi ni Saul , Ito ba ang iyong tinig , anak kong David ? At inilakas ni Saul ang kaniyang tinig , at umiyak . At kaniyang sinabi kay David , Ikaw ay lalong matuwid kay sa akin : sapagka't ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti , samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan . At iyong ipinakilala sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti , sapagka't nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay , ay hindi mo ako pinatay . Sapagka't kung masumpungan ng isang tao ang kaniyang kaaway , pababayaan ba niyang yumaong mabuti ? kaya't gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito . At ngayo'y narito , talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari , at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay . Isumpa mo nga ngayon sa akin sa pangalan ng Panginoon , na hindi mo puputulin ang aking binhi pagkamatay ko , at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sangbahayan ng aking magulang . At sumumpa si David kay Saul . At si Saul ay umuwi ; nguni't si David at ang kaniyang mga lalake ay umakyat sa katibayan . At namatay si Samuel ; at nagpipisan ang buong Israel , at pinanaghuyan siya , at inilibing siya sa kaniyang bahay sa Rama . At bumangon si David , at lumusong sa ilang ng Paran . At may isang lalake sa Maon , na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo ; at ang lalake ay lubhang dakila , at siya'y mayroong tatlong libong tupa , at isang libong kambing ; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo . Ang pangalan nga ng lalake ay Nabal ; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail : at ang babae ay matalino , at may magandang pagmumukha ; nguni't ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa ; at siya'y supling sa sangbahayan ni Caleb . At narinig ni David sa ilang na ginugupitan ni Nabal ng balahibo ang kaniyang tupa . At nagsugo si David ng sangpung bataan , at sinabi ni David sa mga bataan , Umahon kayo sa Carmelo , at kayo'y pumaroon kay Nabal , at batiin ninyo siya sa aking pangalan : At ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa , Kapayapaan nawa ang sumaiyo , at kapayapaan nawa ang sumaiyong sangbahayan , at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik . At ngayo'y aking narinig na ikaw ay nagpapagupit ng balahibo ng tupa ; ang iyong mga pastor nga ay nasa sa amin , at hindi namin inano sila , o nagkulang man ng anomang bagay sa kanilang buong panahon na kanilang ikinaroon sa Carmelo . Tanungin mo ang iyong mga bataan at kanilang sasaysayin sa iyo : kaya't makasumpong nawa ng biyaya sa iyong mga mata ang mga bataan ; sapagka't kami ay naparito sa mabuting araw : isinasamo ko sa iyo , na ibigay mo ang anomang masumpungan mo ng iyong kamay , sa iyong mga lingkod , at sa iyong anak na kay David . At nang dumating ang mga bataan ni David , kanilang sinalita kay Nabal ang ayon sa lahat ng mga salitang yaon sa pangalan ni David , at nagsitahimik . At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David , at nagsabi , Sino si David ? at sino ang anak ni Isai ? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawa't isa sa kaniyang panginoon . Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig , at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit , at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan ? Sa gayo'y ang mga bataan ni David ay pumihit sa kanilang lakad , at nagsibalik , at naparoon , at isinaysay sa kaniya ang ayon sa lahat ng mga salitang ito . At sinabi ni David sa kaniyang mga lalake , Ibigkis ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang tabak . At nagbigkis ang bawa't isa ng kaniyang tabak ; at si David ay nagbigkis din ng kaniyang tabak : at ang umahon na sumunod kay David ay may apat na raang lalake ; at naiwan ang dalawang daan sa daladalahan . Nguni't isinaysay ng isa sa mga bataan kay Abigail , na asawa ni Nabal , na sinasabi , Narito , si David ay nagsugo ng mga sugo mula sa ilang upang bumati sa ating panginoon ; at kaniyang tinanggihan . Nguni't ang mga lalake ay napakabuti sa amin , at hindi kami sinaktan , o nagkulang man ng anomang bagay habang kami ay nakikisama sa kanila , nang kami ay nasa mga parang : Sila'y naging kuta sa amin sa gabi at gayon din sa araw buong panahong aming ikinaroon sa kanila sa pagaalaga ng mga tupa . Ngayon nga'y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin ; sapagka't ang kasamaan ay ipinasiya na laban sa ating panginoon , at laban sa kaniyang buong sangbahayan : sapagka't siya'y isang hamak na tao , na sinoma'y hindi makapakiusap sa kaniya . Nang magkagayo'y nagmadali si Abigail , at kumuha ng dalawang daang tinapay , at dalawang balat ng alak , at limang handang tupa , at limang takal ng trigo na sinangag , at isang daang kumpol na pasas , at dalawang daang binilong igos , at ipinagpapasan sa mga asno . At sinabi niya sa kaniyang mga bataan , Magpauna kayo sa akin ; narito ako'y susunod sa inyo . Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal . At nagkagayon na samantalang siya'y nakasakay sa kaniyang asno at lumulusong sa isang kubling dako ng bundok na narito , si David at ang kaniyang mga lalake ay lumulusong na patungo sa kaniya , at sinalubong niya sila . Sinabi nga ni David , Tunay na walang kabuluhang aking iningatan ang lahat na tinatangkilik ng taong yaon sa ilang , na anopa't hindi nawala ang anoman sa lahat na nauukol sa kaniya : at kaniyang iginanti sa akin ay masama sa mabuti . Hatulan nawa ng Dios ang mga kaaway ni David , at lalo na , kung ako'y magiwan ng labis sa lahat na nauukol sa kaniya sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake . At nang makita ni Abigail si David , ay nagmadali siya , at lumunsad sa kaniyang asno , at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa . At siya'y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi , Mapasa akin , panginoon ko , mapasa akin ang kasamaan : at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig , at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod . Isinasamo ko sa iyo , na ang aking panginoon ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak , sa makatuwid baga'y kay Nabal ; sapagka't kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya : Nabal ang kaniyang pangalan , at ang kamangmangan ay sumasakaniya : nguni't akong iyong lingkod , hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon , na iyong sinugo . Ngayon nga , panginoon ko , buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo , at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal . At ngayo'y itong kaloob na dinala ng iyong lingkod sa aking panginoon ay mabigay sa mga bataan na sumusunod sa aking panginoon . Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod : sapagka't tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay , sapagka't ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon ; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw . At bagaman bumangon ang isang lalake upang habulin ka , at usigin ang iyong kaluluwa , gayon ma'y ang kaluluwa ng aking panginoon ay matatali sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios ; at ang mga kaluluwa ng iyong mga kaaway , ay pahihilagpusin niya , na parang mula sa gitna ng isang panghilagpos . At mangyayari , pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo , at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel ; Na ito'y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutog man ng loob sa aking panginoon , maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan , o gumanti ng sa kaniyang sarili ang aking panginoon : at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon , alalahanin mo nga ang iyong lingkod . At sinabi ni David kay Abigail , Purihin nawa ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako : At purihin nawa ang iyong kabaitan , at pagpalain ka , na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo , at sa panghihiganti ng aking sariling kamay . Sapagka't tunay , buhay ang Panginoon , ang Dios ng Israel na siyang pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo , kundi ka nagmadali , at pumaritong sumalubong sa akin , tunay na walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake . Sa gayo'y tinanggap ni David sa kaniyang kamay ang dinala niya sa kaniya : at sinabi niya sa kaniya , Umahon kang payapa na umuwi sa iyong bahay ; tingnan mo , aking dininig ang iyong tinig , at aking tinanggap ang iyong pagkatao . At naparoon si Abigail kay Nabal ; at , narito , siya'y gumawa ng isang kasayahan sa kaniyang bahay , na gaya ng pagsasaya ng isang hari ; at ang puso ni Nabal ay nagalak sa kaniyang loob , sapagka't siya'y lubhang nalango ; kaya't siya'y hindi nagsaysay sa kaniya ng anoman , munti o malaki , hanggang sa pagbubukang liwayway . At nangyari sa kinaumagahan , nang ang alak ay mapawi kay Nabal , na isinaysay ng asawa niya sa kaniya ang mga bagay na ito , at nagkasakit siya sa puso , at siya'y naging parang isang bato . At nangyari , pagkaraan ng may sangpung araw , at sinaktan ng Panginoon si Nabal , na anopa't siya'y namatay . At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay , ay kaniyang sinabi , Purihin nawa ang Panginoon na siyang nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal , at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan : at ang masamang gawa ni Nabal ay ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo . At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya . At nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmelo , ay kanilang sinalita sa kaniya , na sinasabi , Sinugo kami ni David sa iyo , upang kunin ka na maging asawa niya . At siya'y bumangon at nagpatirapa sa lupa , at nagsabi , Narito , ang iyong lingkod ay isang aba upang maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon . At nagmadali si Abigail , at bumangon , at sumakay sa isang asno , na kasama ng limang dalaga niya na sumusunod sa kaniya ; at siya'y sumunod sa mga sugo ni David , at naging kaniyang asawa . Kinuha naman ni David si Ahinoam , na taga Jezreel ; at sila'y kapuwa naging asawa niya . Ngayo'y ibinigay ni Saul si Michal na kaniyang anak , na asawa ni David , kay Palti na anak ni Lais na taga Gallim . At naparoon ang mga Zipheo kay Saul sa Gabaa , na nagsasabi , Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hachila , sa tapat ng ilang ? Nang magkagayo'y bumangon si Saul at lumusong sa ilang ng Ziph , na may tatlong libong piling lalake sa Israel na kasama niya upang hanapin si David sa ilang ng Ziph . At humantong si Saul sa burol ng Hachila na nasa tapat ng ilang sa tabi ng daan . Nguni't si David ay tumahan sa ilang , at kaniyang nakita na sinusundan siya ni Saul sa ilang . Nagsugo nga si David ng mga tiktik , at nalaman na tunay na dumarating si Saul . At si David ay bumangon at naparoon sa dakong kinahahantungan ni Saul : at nakita ni David ang dakong kinaroroonan ni Saul at ni Abner na anak ni Ner , na kapitan ng kaniyang hukbo : at si Saul ay nakahiga sa dako ng mga karo , at ang bayan ay humantong sa palibot niya . Nang magkagayo'y sumagot si David , at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo , at kay Abisai na anak ni Sarvia , na kapatid ni Joab , na nagsasabi , Sinong lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento ? At sinabi ni Abisai , Ako'y lulusong na kasama mo . Sa gayo'y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan : at , narito , si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa sa kaniyang ulunan : at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya . Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai kay David , Ibinigay ng Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito : ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo , na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak , at hindi ko pagmamakalawahin . At sinabi ni David kay Abisai , Huwag mong patayin siya : sapagka't sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala ? At sinabi ni David , Buhay ang Panginoon , ang Panginoon ay siyang sasakit sa kaniya ; o darating ang kaniyang kaarawan upang mamatay ; o siya'y lulusong sa pagbabaka , at mamamatay . Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon : nguni't ngayo'y iyong kunin , isinasamo ko sa iyo , ang sibat na nasa kaniyang ulunan , at ang banga ng tubig , at tayo'y yumaon . Sa gayo'y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul ; at sila'y umalis , at walang nakakita , o nakaalam man , o nagising man ang sinoman : sapagka't sila'y pawang mga tulog ; sapagka't isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon . Nang magkagayo'y dumaan si David sa kabilang dako , at tumayo sa taluktok ng bundok na may kalayuan ; na may malaking pagitan sa kanila : At sumigaw si David sa bayan at kay Abner na anak ni Ner , na nagsabi , Hindi ka sumasagot , Abner ? Nang magkagayo'y sumagot si Abner at nagsabi , Sino kang sumisigaw sa hari ? At sinabi ni David kay Abner , Hindi ka ba matapang na lalake ? at sinong gaya mo sa Israel ? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari ? sapagka't pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon . Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti . Buhay ang Panginoon , kayo'y marapat na mamatay , sapagka't hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon , ang pinahiran ng langis ng Panginoon . At ngayo'y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari , at ang banga ng tubig na nasa kaniyang ulunan . At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi , Ito ba ang tinig mo , anak kong David ? At sinabi ni David , Aking tinig nga , panginoon ko , Oh hari . At kaniyang sinabi , Bakit hinahabol ng aking panginoon ang kaniyang lingkod ? sapagka't anong aking ginawa ? o anong kasamaan ang nasa aking kamay ? Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kaniyang lingkod . Kung ang Panginoon ay siyang nagudyok sa iyo laban sa akin , ay tumanggap siya ng isang handog : nguni't kung ang mga anak ng tao , sumpain sila sa harap ng Panginoon ; sapagka't sila'y nagpalayas sa akin sa araw na ito upang huwag akong magkaroon ng bahagi ng mana sa Panginoon , na nagsasabi , Ikaw ay yumaon , maglingkod ka sa ibang mga dios . Ngayon nga'y huwag ibubo ang aking dugo sa lupa sa harap ng Panginoon ; sapagka't lumabas ang hari sa Israel upang humanap ng isang kuto , gaya ng isang humahabol ng isang pugo sa mga bundok . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul , Ako'y nagkasala : bumalik ka , anak kong David : sapagka't hindi na ako gagawa ng masama sa iyo , sapagka't ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito : narito , ako'y nagpakamangmang , at ako'y nagkamali ng di kawasa . At sumagot si David at nagsabi , Tingnan mo ang sibat , Oh hari ! paparituhin mo ang isa sa mga bataan at kunin . At gagantihin ng Panginoon ang bawa't tao sa kaniyang katuwiran at sa kaniyang pagtatapat : sapagka't ibinigay ka ng Panginoon sa aking kamay ngayon , at hindi ko iniunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon . At , narito , kung paanong ang iyong buhay ay mahalagang mainam sa aking paningin sa araw na ito , ay maging gayon nawang mahalagang mainam ang aking buhay sa paningin ng Panginoon , at iligtas niya nawa ako sa madlang kapighatian . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay David , Pagpalain ka , anak kong David : ikaw ay gagawa na makapangyarihan , at tunay na ikaw ay mananaig . Sa gayo'y nagpatuloy si David ng kaniyang lakad , at si Saul ay bumalik sa kaniyang dako . At nasabi ni David sa kaniyang sarili , Ako'y mamamatay isang araw sa kamay ni Saul : walang anomang bagay na mabuti sa akin kundi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo ; at si Saul ay mawawalan ng pagasa tungkol sa akin , upang huwag na akong pag-usigin sa lahat ng mga hangganan ng Israel : sa gayo'y tatakas ako mula sa kaniyang kamay . At si David ay bumangon at lumipat , siya at ang anim na raang lalake na nasa kaniya , kay Achis na anak ni Maoch na hari sa Gath . At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath , siya at ang kaniyang mga lalake , bawa't lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayan , sa makatuwid baga'y si David pati ng kaniyang dalawang asawa , si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal . At nasaysay kay Saul na si David ay tumakas na napatungo sa Gath : at hindi na niya pinagusig siya uli . At sinabi ni David kay Achis , Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain , upang ako'y tumahan doon : sapagka't bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari ? Nang magkagayo'y ibinigay ni Achis sa kaniya ang Siclag nang araw na yaon : kaya't ang Siclag ay nauukol sa mga hari sa Juda hanggang sa araw na ito . At ang bilang ng mga araw na itinahan ni David sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon , at apat na buwan . At umahon si David at ang kaniyang mga lalake , at sinalakay ang mga Gesureo , at ang mga Gerzeo , at ang mga Amalecita ; sapagka't ang mga yaon ay dating nangananahan sa lupain , mula nang gaya ng kung ikaw ay paroroon sa Shur , hanggang sa lupain ng Egipto . At sinaktan ni David ang lupain , at walang iniligtas na buhay kahit lalake o babae man , at dinala ang mga tupa at ang mga baka , at ang mga asno , at ang mga kamelyo , at ang mga kasuutan ; at siya'y bumalik , at naparoon kay Achis . At sinabi ni Achis , Saan kayo sumalakay ngayon ? At sinabi ni David , Laban sa Timugan ng Juda , at laban sa Timugan ng mga Jerameeliteo , at laban sa Timugan ng mga Cineo . At walang iniligtas na buhay si David kahit ng lalake o ng babae man , upang dalhin sa Gath , na sinasabi , Baka sila'y magsumbong laban sa atin , na sabihin , Ganoon ang ginawa ni David , at gayon ang kaniyang paraan sa buong panahon na kaniyang itinahan sa lupain ng mga Filisteo . At naniwala si Achis kay David , na nagsasabi , Kaniyang ginawa na ang kaniyang bayang Israel ay lubos na nakayayamot sa kaniya : kaya't siya'y magiging aking lingkod magpakailan man . At nangyari sa mga araw na yaon , na pinisan ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo sa pakikidigma upang lumaban sa Israel . At sinabi ni Achis kay David , Talastasin mong maigi na ikaw ay lalabas na kasama ko sa hukbo , ikaw at ang inyong mga lalake . At sinabi ni David kay Achis , Kaya't iyong nalalaman kung anong gagawin ng iyong lingkod . At sinabi ni Achis kay David , Kaya't gagawin kitang bantay sa aking ulo magpakailan man . Si Samuel nga ay namatay , at pinanaghuyan ng buong Israel at inilibing siya sa Rama , sa makatuwid baga'y sa kaniyang sariling bayan . At pinalayas ni Saul sa lupain , yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at ang mga manghuhula . At nagpipisan ang mga Filisteo , at naparoon at humantong sa Sunam : at pinisan ni Saul ang buong Israel , at sila'y humantong sa Gilboa . At nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Filisteo , siya'y natakot , at ang kaniyang puso ay nanginig na mainam . At nang magusisa si Saul sa Panginoon , ay hindi siya sinagot ng Panginoon , maging sa panaginip man , ni sa Urim man , ni sa pamamagitan man ng mga propeta . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod , Ihanap ninyo ako ng isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , upang ako'y pumaroon sa kaniya , at magusisa sa kaniya . At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya . Narito , may isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu sa Endor . At hindi napakilala si Saul , at nagsuot ng ibang kasuutan , at naparoon siya at ang dalawang lalake na kasama niya , at sila'y dumating sa babae nang kinagabihan : at kaniyang sinabi , Hulaan mo ako isinasamo ko sa iyo , sa pamamagitan ng sinasanggunian mong espiritu , at iahon mo sa akin sinomang banggitin ko sa iyo . At sinabi ng babae sa kaniya , Narito , iyong nalalaman ang ginawa ni Saul , kung paanong kaniyang inihiwalay yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at ang mga manghuhula , sa lupain : bakit nga ipinaglalagay mo ng silo ang aking buhay , upang ipapatay ako ? At sumumpa si Saul sa kaniya sa pamamagitan ng Panginoon , na sinasabi , Buhay ang Panginoon , walang parusang mangyayari sa iyo dahil sa bagay na ito . Nang magkagayo'y sinabi ng babae , Sinong iaahon ko sa iyo ? At kaniyang sinabi , Iahon mo si Samuel sa akin . At nang makita ng babae si Samuel , ay sumigaw ng malakas na tinig at nagsalita ang babae kay Saul , na sinasabi , Bakit mo ako dinaya ? sapagka't ikaw ay si Saul . At sinabi ng hari sa kaniya , Huwag kang matakot : sapagka't anong iyong nakikita ? At sinabi ng babae kay Saul , Aking nakikita'y isang dios na lumilitaw sa lupa . At kaniyang sinabi sa kaniya , Ano ang kaniyang anyo ? At sinabi niya , Isang matandang lalake ay lumilitaw ; at siya'y nabibilot ng isang balabal . At nakilala ni Saul , na si Samuel , at siya'y yumukod sa lupa , at nagbigay galang . At sinabi ni Samuel kay Saul , Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon ? At sumagot si Saul , Ako'y totoong naliligalig ; sapagka't ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin , at ang Dios ay humiwalay sa akin , at hindi na ako sinasagot , kahit sa pamamagitan ng mga propeta , ni ng panaginip man : kaya tinawag kita , upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin . At sinabi ni Samuel , Bakit nga nagtatanong ka sa akin , dangang ang Panginoon ay humiwalay sa iyo , at naging iyong kaaway ? At ginawa ng Panginoon ang gaya ng sinalita niya sa pamamagitan ko : at inihiwalay ng Panginoon ang kaharian sa iyong kamay , at ibinigay sa iyong kapuwa , sa makatuwid baga'y kay David . Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon , at hindi mo ginawa ang kaniyang mabagsik na galit sa Amalec , kaya't ginawa ng Panginoon ang bagay na ito sa iyo sa araw na ito . Bukod dito'y ibibigay ng Panginoon ang Israel naman na kalakip mo sa kamay ng mga Filisteo : at bukas , ikaw at ang iyong mga anak ay masasama sa akin : ibibigay naman ng Panginoon ang hukbo ng Israel sa kamay ng mga Filisteo . Nang magkagayo'y biglang nabulagta si Saul sa lupa , at siya'y natakot na mainam , dahil sa mga salita ni Samuel ; at nawalan siya ng lakas ; sapagka't hindi siya kumain ng tinapay buong araw , ni buong gabi man . At naparoon ang babae kay Saul at nakita na siya'y totoong bagabag , at sinabi sa kaniya , Narito , narinig ng iyong lingkod ang iyong tinig , at aking inilagay ang aking buhay sa aking kamay , at aking dininig ang iyong mga salita na iyong sinalita sa akin . Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , iyong dinggin naman ang tinig ng iyong lingkod , at papaglagyin mo ako ng isang subo na tinapay sa harap mo ; at iyong kanin upang ikaw ay lumakas , paglakad mo ng iyong lakad . Nguni't siya'y tumanggi at nagsabi , Hindi ako kakain . Nguni't ipinilit ng kaniyang mga lingkod na pati ng babae ; at dininig niya ang kanilang tinig . Sa gayo'y siya'y bumangon sa lupa , ay umupo sa higaan . At ang babae ay mayroong isang matabang guyang baka sa bahay ; at siya'y nagmadali , at pinatay niya ; at siya'y kumuha ng harina at kaniyang minasa , at kaniyang niluto na tinapay na walang lebadura ; At kaniyang dinala sa harap ni Saul , at sa harap ng kaniyang mga lingkod ; at sila'y kumain . Nang magkagayo'y sila'y bumangon , at umalis nang gabing yaon . Pinisan nga ng mga Filisteo ang lahat nilang hukbo sa Aphec : at ang mga taga Israel ay humantong sa bukal na nasa Jezreel . At ang mga pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan , at mga libolibo : at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na kasama ni Achis . Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo , Ano ang mga Hebreong ito ? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo , Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin ng mga araw na ito , o ng mga taong ito , at hindi ako nakasumpong ng anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya'y lumapit sa akin hanggang sa araw na ito ? Nguni't ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya ; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya , Pabalikin mo ang taong iyan , upang siya'y bumalik sa kaniyang dako na iyong pinaglagyan sa kaniya , at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka , baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya : sapagka't paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon ? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito ? Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw , na sinasabi , Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo , At ni David ang kaniyang laksalaksa ? Nang magkagayo'y tinawag ni Achis si David , at sinabi sa kaniya , Buhay ang Panginoon , ikaw ay matuwid , at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin : sapagka't hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito : gayon ma'y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo . Kaya't ngayo'y ikaw ay bumalik at yumaong payapa , upang huwag kang kagalitan ng mga pangulo ng mga Filisteo . At sinabi ni David kay Achis , Nguni't anong aking ginawa ? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako'y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito , upang ako'y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari ? At sumagot si Achis , at sinabi kay David , Talastas ko na ikaw ay mabuti sa aking paningin , na gaya ng isang anghel ng Dios : gayon ma'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo . Hindi siya aahon na kasama natin sa pakikipagbaka . Kaya't bumangon kang maaga sa kinaumagahan na kasama ng mga lingkod ng iyong panginoon na naparitong kasama mo ; at pagbangon ninyong maaga sa kinaumagahan , at pagliliwanag ay yumaon kayo . Sa gayo'y bumangong maaga si David , siya at ang kaniyang mga lalake , upang yumaon sa kinaumagahan , na bumalik sa lupain ng mga Filisteo . At ang mga Filisteo ay umahon sa Jezreel . At nangyari , nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa Siclag , sa ikatlong araw , na ang mga Amalecita ay sumalakay sa Timugan , at sa Siclag , at sinaktan ang Siclag , at sinunog ng apoy ; At dinalang bihag ang mga babae at lahat na nandoon , ang maliliit at gayon din ang malalaki ; hindi nila pinatay ang sinoman , kundi kanilang pinagdadala , at nagpatuloy ng kanilang lakad . At nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa bayan , narito , sinunog ng apoy ; at ang kanilang mga asawa , at ang kanilang mga anak na lalake at babae ay pinagdadalang bihag . Nang magkagayo'y si David at ang bayan na nasa kaniya ay naglakas ng tinig , at umiyak , hanggang sa sila'y nawalan ng lakas na umiyak . At ang dalawang asawa ni David ay nabihag , si Ahinoam na taga Jezreel , at si Abigail , na asawa ni Nabal , na taga Carmelo . At nagdalamhating totoo si David , sapagka't pinagsasalitaan ng bayan na batuhin siya , sapagka't ang kaluluwa ng buong bayan ay pumanglaw , bawa't tao dahil sa kanikaniyang mga anak na lalake at babae ; nguni't si David ay nagpakatibay sa Panginoon niyang Dios . At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote , na anak ni Ahimelech , Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod . At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David . At sumangguni si David sa Panginoon , na nagsasabi , Kung aking habulin ang pulutong na ito , ay akin kayang aabutan sila ? At sinagot niya siya , Iyong habulin : sapagka't tunay na iyong aabutan , at walang pagsalang mababawi mo ang lahat . Sa gayo'y yumaon si David , siya at ang anim na raang lalake na kasama niya , at naparoon sa batis ng Besor , na kinaroroonan niyaong mga naiwan sa likuran . Nguni't hinabol ni David , niya at ng apat na raang lalake : sapagka't ang dalawang daan natira sa likuran , na mga pata na hindi na nakatawid sa batis ng Besor : At sila'y nakasumpong ng isang taga Egipto sa parang , at dinala nila siya kay David , at binigyan nila siya ng tinapay , at kumain : at binigyan nila siya ng tubig na mainom : At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos , at dalawang buwig na ubas ; at nang kaniyang makain , ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya : sapagka't hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig , na tatlong araw at tatlong gabi . At sinabi ni David sa kaniya , Kanino ka ba nauukol ? at taga saan ka ? At sinabi niya , Ako'y isang binatang taga Egipto , bataan ng isang Amalecita ; at iniwan ako ng aking panginoon , sapagka't tatlong araw na ako'y nagkasakit . Kami ay sumalakay sa Timugan ng mga Ceretheo , at sa nauukol sa Juda , at sa Timugan ng Caleb ; at aming sinunog ng apoy ang Siclag . At sinabi ni David sa kaniya , Ilulusong mo ba ako sa pulutong na ito ? At kaniyang sinabi , Ipanumpa mo sa akin ang Dios , hindi mo ako papatayin , o ibibigay man sa mga kamay ng aking panginoon , at aking ilulusong ka sa pulutong na ito . At nang kaniyang mailusong , narito , sila'y nangangalat sa buong lupa , na nagkakainan at nagiinuman , at nagkakasayahan , dahil sa lahat na malaking samsam na kanilang nakuha sa lupain ng mga Filisteo , at sa lupain ng Juda . At sinaktan ni David sila mula sa pagtatakip silim hanggang sa paglubog ng araw sa sumunod na araw : at walang taong nakatanan sa kanila liban sa apat na raang bataan na nakasakay sa mga kamelyo at tumakas . At binawi ni David ang lahat na nakuha ng mga Amalecita : at iniligtas ni David ang kaniyang dalawang asawa . At walang nagkulang sa kanila , kahit maliit o malaki man , kahit mga anak na lalake o babae man , kahit samsam man , kahit anomang bagay na nakuha nila sa kanila : ibinalik na lahat ni David . At kinuha ni David ang lahat ng kawan at bakahan , na kanilang dinala na nasa unahan niyaong mga ibang hayop , at sinabi , Ito'y samsam ni David . At naparoon si David sa dalawang daang lalake , na totoong mga pata na hindi nangakasunod kay David , na kanila namang pinatahan sa batis ng Besor ; at sila'y lumabas upang salubungin si David , at upang salubungin ang mga taong kasama niya : at nang lumapit si David sa bayan , siya'y bumati sa kanila . Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masamang tao , at mga tao na hamak , sa mga yumaong kasama ni David , at nagsabi , Sapagka't hindi sila yumaong kasama namin , hindi namin bibigyan sila ng samsam na aming nabawi , liban sa bawa't lalake ay ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak , upang kanilang dalhin , at yumaon . Nang magkagayo'y sinabi ni David , Huwag ninyong gagawing gayon , mga kapatid ko , sa ibinigay sa atin ng Panginoon , na siyang nagadya sa atin , at nagbigay sa ating kamay ng pulutong na naparito laban sa atin . At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito ? sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka , ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan : sila'y paraparang magkakabahagi . At nagkagayon , na mula sa araw na yaon , na siya'y gumawa ng isang palatuntunan at ayos sa Israel , hanggang sa araw na ito . At nang dumating si David sa Siclag , siya'y nagpadala ng mga samsam sa mga matanda sa Juda , sa makatuwid baga'y sa kaniyang mga kaibigan , na sinasabi , Narito , ang isang kaloob sa inyo na mula sa samsam sa mga kaaway ng Panginoon ; Sa kanila na nasa Beth-el , at sa kanila na nasa Ramoth ng Timugan , at sa kanila na nasa Jathir ; At sa kanila na nasa Aroer , at sa kanila na nasa Siphmoth , at sa kanila na nasa Esthemoa ; At sa kanila na nasa Rachal , at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Jerameelita , at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Cineo ; At sa kanila na sa Horma , at sa kanila na nasa Chorasan , at sa kanila na nasa Athach ; At sa kanila na nasa Hebron , at sa lahat na dako na karaniwang pinaroroonan ni David at ng kaniyang mga lalake . Ang mga Filisteo nga ay lumaban sa Israel : at ang mga lalake sa Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo , at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa . At hinabol ng panunod ng mga Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak ; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan , at si Abinadab , at si Melchisua , na mga anak ni Saul . At ang pagbabaka ay lumubha laban kay Saul , at inabutan siya ng mga mamamana ; at siya'y totoong nahirapan dahil sa mga mamamana . Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata , Bunutin mo ang iyong tabak at palagpasan mo ako niyaon ; baka dumating ang mga hindi tuling ito at ako'y palagpasan , at ako'y kanilang pahirapan . Nguni't ayaw ang kaniyang tagadala ng sandata ; sapagka't siya'y totoong natakot . Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak , at nagpakabuwal sa kaniyang tabak . At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay , siya naman ay nagpakabuwal sa kaniyang tabak , at nagpakamatay na kasama niya . Gayon namatay si Saul , at ang kaniyang tatlong anak , at ang kaniyang tagadala ng sandata , at ang lahat niyang mga lalake nang araw na yaon na magkakasama . At nang makita ng mga lalake sa Israel na nasa kabilang dako ng libis , at ng mga nasa dako roon ng Jordan , na ang mga lalake sa Israel ay tumakas , at si Saul at ang kaniyang mga anak ay namatay , kanilang iniwan ang mga bayan , at nagsitakas ; at naparoon ang mga Filisteo , at tumahan sa mga yaon . At nangyari nang kinabukasan nang ang mga Filisteo ay dumating upang hubaran ang mga patay , ay kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang tatlong anak na nabuwal sa bundok ng Gilboa . At kanilang pinugot ang kaniyang ulo , at hinubad ang kaniyang mga sakbat , at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot upang ibalita sa mga bahay ng kanilang mga diosdiosan at sa bayan . At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat , sa bahay ni Astaroth : at kanilang ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san . At nang mabalitaan ng mga tumatahan sa Jabes-galaad ang tungkol sa ginawa ng mga Filisteo kay Saul , Lahat ng matapang na lalake ay bumangon at nagsilakad sa buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak sa kuta ng Beth-san ; at sila'y naparoon sa Jabes , at kanilang pinagsunog doon . At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at ibinaon sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes , at nagayuno silang pitong araw .</passage>
<license>Public Domain</license>
<source>http://paralleltext.info/data/ retrieved via Canonical Text Service http://cts.informatik.uni-leipzig.de/pbc/cts/ with CTS URN urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:9</source>
</reply>
</GetPassage>
