<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:a="http://relaxng.org/ns/compatibility/annotations/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<request>
<requestName>GetPassage</requestName>
<requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:64</requestUrn>
</request>
<reply>
<urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:64</urn>
<passage>Ang matanda , kay Gayo na minamahal , na aking iniibig sa katotohanan . Minamahal , aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan , na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa . Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan , ayon sa paglakad mo sa katotohanan . Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito , na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan . Minamahal , ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa mga kapatid at sa mga taga ibang lupa ; Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia : na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios , sa kanilang paglalakbay : Sapagka't dahil sa Pangalan , ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil . Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon , upang tayo'y maging kasama sa paggawa sa katotohanan . Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesia : datapuwa't si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila , ay hindi kami tinatanggap . Kaya't kung pumariyan ako , ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa , na nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin : at hindi nasisiyahan sa ganito , ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid , at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila sa iglesia . Minamahal , huwag mong tularan ang masama , kundi ang mabuti . Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios : ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios . Si Demetrio ay pinatototohanan ng lahat , at ng katotohanan : oo , kami man ay nagpapatotoo rin ; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay tunay . Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo , datapuwa't hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat : Datapuwa't inaasahan kong makita kang madali , at tayo'y magkakausap ng mukhaan . Ang kapayapaa'y sumainyo nawa . Binabati ka ng mga kaibigan . Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan .</passage>
<license>Public Domain</license>
<source>http://paralleltext.info/data/ retrieved via Canonical Text Service http://cts.informatik.uni-leipzig.de/pbc/cts/ with CTS URN urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:64</source>
</reply>
</GetPassage>
