<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:a="http://relaxng.org/ns/compatibility/annotations/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<request>
<requestName>GetPassage</requestName>
<requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:63</requestUrn>
</request>
<reply>
<urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:63</urn>
<passage>Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak , na aking iniibig sa katotohanan ; at hindi lamang ako , kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan ; Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin , at sasa atin magpakailan man : Sumaatin nawa ang biyaya , awa , at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo , Anak ng Ama , sa katotohanan at sa pagibig . Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan , ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama . At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo , ginang , na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos , kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula , na tayo'y mangagibigan sa isa't isa . At ito ang pagibig , na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos . Ito ang utos , na tayo'y mangagsilakad sa kaniya , gaya ng inyong narinig nang pasimula . Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan , sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman . Ito ang magdaraya at ang anticristo . Mangagingat kayo sa inyong sarili , upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan , kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan . Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo , ay hindi kinaroroonan ng Dios : ang nananahan sa aral , ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak . Kung sa inyo'y dumating ang sinoman , at hindi dala ang aral na ito , ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay , at huwag ninyo siyang batiin : Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa . Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo , ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta ; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo , at makipagusap ng mukhaan , upang malubos ang inyong galak . Ang mga anak ng iyong hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo .</passage>
<license>Public Domain</license>
<source>http://paralleltext.info/data/ retrieved via Canonical Text Service http://cts.informatik.uni-leipzig.de/pbc/cts/ with CTS URN urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:63</source>
</reply>
</GetPassage>
