<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:a="http://relaxng.org/ns/compatibility/annotations/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<request>
<requestName>GetPassage</requestName>
<requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:57</requestUrn>
</request>
<reply>
<urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:57</urn>
<passage>Si Pablo , na bilanggo ni Cristo Jesus , at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa , At kay Apia na ating kapatid na babae , at kay Arquipo na kapuwa kawal namin , at sa iglesia sa iyong bahay : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo . Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios , na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin , Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig , at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus , at sa lahat ng mga banal ; Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya , ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo , sa kay Cristo . Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig , sapagka't ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo , kapatid . Kaya , bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol , Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik , kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na , at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus : Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak , na aking ipinanganak sa aking mga tanikala , si Onesimo , Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan , datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man : Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan , sa makatuwid baga'y , ang aking sariling puso : Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling , upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa mga tanikala ng evangelio : Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman ; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan , kundi sa sariling kalooban . Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon , upang siya'y mapasa iyo magpakailan man ; Na hindi na alipin , kundi higit sa alipin , isang kapatid na minamahal , lalong lalo na sa akin , nguni't gaano pa kaya sa iyo , na siya'y minamahal mo maging sa laman at gayon din sa Panginoon . Kung ako nga ay inaari mong kasama , ay tanggapin mo siyang tila ako rin . Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman , o may utang sa iyong anoman , ay ibilang mo sa akin ; Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay , ay siyang magbabayad sa iyo : hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin . Oo , kapatid , magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon : panariwain mo ang aking puso kay Cristo . Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima , palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi . Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan : sapagka't inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo . Binabati ka ni Epafras , na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus ; At gayon din ni Marcos , ni Aristarco , ni Demas , at ni Lucas na aking mga kamanggagawa . Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu . Siya nawa .</passage>
<license>Public Domain</license>
<source>http://paralleltext.info/data/ retrieved via Canonical Text Service http://cts.informatik.uni-leipzig.de/pbc/cts/ with CTS URN urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:57</source>
</reply>
</GetPassage>
