<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:a="http://relaxng.org/ns/compatibility/annotations/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<request>
<requestName>GetPassage</requestName>
<requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:46</requestUrn>
</request>
<reply>
<urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:46</urn>
<passage>Si Pablo , na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at si Sostenes na ating kapatid , Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto , sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus , na tinawag na mangagbanal , na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako , sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kanila at ating Panginoon : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo . Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo , dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus ; Na kayo ay pinayaman sa kanya , sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman ; Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo : Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob ; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo ; Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan , upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo . Ang Dios ay tapat , na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin . Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay , at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi ; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol . Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo , mga kapatid ko , ng mga kasangbahay ni Cloe , na sa inyo'y may mga pagtatalotalo . Ibig ko ngang sabihin ito , na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi , Ako'y kay Pablo ; at ako'y kay Apolos ; at ako'y kay Cefas ; at ako'y kay Cristo . Nabahagi baga si Cristo ? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo ? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo ? Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo , maliban si Crispo at si Gayo ; Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko . At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas : maliban sa mga ito , di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa . Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo , kundi upang mangaral ng evangelio : hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo . Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak ; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas . Sapagka't nasusulat , Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong , At isasawala ko ang kabaitan ng mababait . Saan naroon ang marunong ? saan naroon ang eskriba ? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito ? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan ? Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan , ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral . Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda , at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan : Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus , na sa mga Judio ay katitisuran , at sa mga Gentil ay kamangmangan ; Nguni't sa kanila na mga tinawag , maging mga Judio at mga Griego , si Cristo ang kapangyarihan ng Dios , at ang karunungan ng Dios . Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao ; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao . Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag , mga kapatid , na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman , hindi ang maraming may kapangyarihan , hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag : Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan , upang hiyain niya ang mga marurunong ; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan , upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas ; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan , at ang mga bagay na hinamak , ang pinili ng Dios , oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga : Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios . Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus , na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios , at katuwiran at kabanalan , at katubusan : Na , ayon sa nasusulat , Ang nagmamapuri , ay magmapuri sa Panginoon . At ako , mga kapatid , nang pumariyan sa inyo , ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan , na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios . Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo , maliban na si Jesucristo , at siya na napako sa krus . At ako'y nakisama sa inyo na may kahinaan , at may katakutan , at may lubhang panginginig . At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan , kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan : Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao , kundi sa kapangyarihan ng Dios . Gayon man , ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang : bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito , o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito , na ang mga ito'y nangauuwi sa wala : Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga , yaong karunungan na itinalaga ng Dios , bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin : Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito : sapagka't kung nakilala sana nila , ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian : Datapuwa't gaya ng nasusulat , Ang mga bagay na hindi nakita ng mata , at ni narinig ng tainga , Ni hindi pumasok sa puso ng tao , Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya . Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu ; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay , oo , ang malalalim na mga bagay ng Dios . Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao , kundi ang espiritu ng tao , na nasa kaniya ? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman , maliban na ng Espiritu ng Dios . Nguni't ating tinanggap , hindi ang espiritu ng sanglibutan , kundi ang espiritung mula sa Dios ; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios . Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita , hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao , kundi sa itinuturo ng Espiritu ; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu . Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios : sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya ; at hindi niya nauunawa , sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu . Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay , at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman . Sapagka't sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon , upang siya'y turuan niya ? Datapuwa't nasa atin ang pagiisip ni Cristo . At ako , mga kapatid , ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu , kundi tulad sa mga nasa laman , tulad sa mga sanggol kay Cristo . Kinandili ko kayo ng gatas , at hindi ng lamang-kati ; sapagka't kayo'y wala pang kaya noon : wala , na ngayon pa man ay wala kayong kaya ; Sapagka't kayo'y mga sa laman pa : sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at mga pagtatalo , hindi baga kayo'y mga sa laman , at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao ? Sapagka't kung sinasabi ng isa , Ako'y kay Pablo ; at ng iba , Ako'y kay Apolos ; hindi baga kayo'y mga tao ? Ano nga si Apolos ? at Ano si Pablo ? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo ; at sa bawa't isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya . Ako ang nagtanim , si Apolos ang nagdilig ; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago . Ano pa't walang anoman ang nagtatanim , ni ang nagdidilig ; kundi ang Dios na nagpapalago . Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa : nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal . Sapagka't tayo ay mga kamanggagawa ng Dios : kayo ang bukid ng Dios , ang gusali ng Dios . Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin , na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan ; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito . Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito . Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan , kundi ang nalalagay na , na ito'y si Cristo Jesus . Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto , pilak , mga mahahalagang bato , kahoy , tuyong dayami ; Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag : sapagka't ang araw ang magsasaysay , sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag ; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon . Kung ang gawa ng sinoman ay manatili , na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon , siya'y tatanggap ng kagantihan . Kung ang gawa ng sinoman ay masunog , ay malulugi siya : nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas ; gayon ma'y tulad sa pamamagitan ng apoy . Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios , at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo ? Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios , siya'y igigiba ng Dios ; sapagka't ang templo ng Dios ay banal , na ang templong ito ay kayo . Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili . Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito , ay magpakamangmang siya , upang siya ang maging marunong . Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios . Sapagka't nasusulat , Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan : At muli , Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong , na pawang walang kabuluhan . Kaya't huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao , Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo . Kahit si Pablo , kahit si Apolos , kahit si Cefas , kahit ang sanglibutan , kahit ang buhay , kahit ang kamatayan , kahit ang mga bagay na kasalukuyan , kahit ang mga bagay na darating ; lahat ay sa inyo : At kayo'y kay Cristo ; at si Cristo ay sa Dios . Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo , at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios . Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala , na ang bawa't isa ay maging tapat . Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo , o ng pagsisiyasat ng tao : oo , ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili . Sapagka't wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili ; bagaman hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako : sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon . Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman , hanggang sa dumating ang Panginoon , na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman , at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso ; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios . Ang mga bagay ngang ito , mga kapatid , ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo ; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat ; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba . Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi ? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap ? nguni't kung tinanggap mo , ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap ? Kayo'y mga busog na , kayo'y mayayaman na , kayo'y nangaghari nang wala kami : at ibig ko sanang mangaghari kayo , upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo . Sapagka't iniisip ko , na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat , na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan : sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan , at ng mga anghel , at ng mga tao . Kami'y mga mangmang dahil kay Cristo , nguni't kayo'y marurunong kay Cristo ; kami'y mahihina , nguni't kayo'y malalakas ; kayo'y may karangalan , datapuwa't kami ay walang kapurihan . Hanggang sa oras na ito'y nangagugutom kami , at nangauuhaw , at mga hubad , at mga tinampal , at wala kaming tiyak na tahanan ; At kami'y nangagpapagal , na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay : bagama't inuupasala , ay kami'y nangagpapala ; bagama't mga pinaguusig , ay nangagtitiis kami ; Bagama't mga sinisiraangpuri , ay aming pinamamanhikan : kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan , sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon . Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain , kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak . Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo , ay wala nga kayong maraming mga ama ; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio . Ipinamamanhik ko nga sa inyo , na kayo'y maging mga tagatulad sa akin . Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo , na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon , na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo , gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia . Ang mga iba nga'y nangagpapalalo , na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo . Nguni't ako'y paririyan agad sa inyo , kung loloobin ng Panginoon ; at aking aalamin , hindi ang salita ng nangagpapalalo , kundi ang kapangyarihan . Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita , kundi sa kapangyarihan . Anong ibig ninyo ? paririyan baga ako sa inyo na may panghampas , o sa pagibig , at sa espiritu ng kahinahunan ? Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may pakikiapid , at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil , na isa sa inyo'y nagaari ng asawa ng kaniyang ama . At kayo'y mga mapagpalalo , at hindi kayo bagkus nangalumbay , upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito . Sapagka't ako sa katotohanan , bagama't wala sa harapan ninyo sa katawan nguni't ako'y nasa harapan ninyo sa espiritu , akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito , na tulad sa ako'y nahaharap , Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus , nang nangagkakatipon kayo , at ang aking espiritu , na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus , Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman , upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus . Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri . Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak ? Alisin ninyo ang lumang lebadura , upang kayo'y maging bagong limpak , na tulad sa kayo'y walang lebadura . Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na , sa makatuwid baga'y si Cristo : Kaya nga ipangilin natin ang pista , hindi sa lumang lebadura , ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan , kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan . Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid ; Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito , o sa mga masasakim at mga manglulupig , o sa mga mananamba sa diosdiosan ; sapagka't kung gayo'y kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan : Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo , na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid , kung siya'y mapakiapid , o masakim , o mananamba sa diosdiosan , o mapagtungayaw , o manglalasing , o manglulupig ; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo . Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas ? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob ? Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol . Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao . Nangangahas baga ang sinoman sa inyo , kung mayroong anomang bagay laban sa iba , na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko , at hindi sa harapan ng mga banal ? O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan ? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo , hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit ? Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel ? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito ? Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito , ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia ? Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo . Ano , diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid , Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid , at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya ? Ngayon nga , tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin . Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan ? bakit hindi bagkus kayo'y padaya ? Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan , at nangagdaraya , at ito'y sa mga kapatid ninyo . O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios ? Huwag kayong padaya : kahit ang mga mapakiapid , ni ang mga mananamba sa diosdiosan , ni ang mga mangangalunya , ni ang mga nangbababae , ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake . Ni ang mga magnanakaw , ni ang mga masasakim , ni ang mga manglalasing , ni ang mga mapagtungayaw , ni ang mga manglulupig , ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios . At ganyan ang mga ilan sa inyo : nguni't nangahugasan na kayo , nguni't binanal na kayo , nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo , at sa Espiritu ng ating Dios . Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid ; nguni't hindi ang lahat ay nararapat . Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid ; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman . Ang mga pagkain ay sa tiyan , at ang tiyan ay sa mga pagkain : nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito . Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid , kundi sa Panginoon ; at ang Panginoon ay sa katawan : At muling binuhay ng Dios ang Panginoon , at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan . Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo ? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo , at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot ? Huwag nawang mangyari . O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot , ay kaisang katawan niya ? sapagka't sinasabi niya , Ang dalawa ay magiging isang laman . Nguni't ang nakikisama sa Panginoon , ay kaisang espiritu niya . Magsitakas kayo sa pakikiapid . Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan ; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan . O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo , na tinanggap ninyo sa Dios ? at hindi kayo sa inyong sarili ; Sapagka't kayo'y binili sa halaga : luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios . At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin : Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae . Datapuwa't , dahil sa mga pakikiapid , ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa , at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa . Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat : at gayon din naman ang babae sa asawa . Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan , kundi ang asawa : at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan , kundi ang asawa . Huwag magpigil ang isa't isa , maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon , upang kayo'y mamalagi sa pananalangin , at muling kayo'y magsama , baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil . Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo , hindi sa utos . Kaya't ibig ko sana , na ang lahat ng tao ay maging gaya ko . Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios , ang isa'y ayon sa paraang ito , at ang iba'y ayon sa paraan yaon . Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa , at sa mga babaing bao , Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko . Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil , ay magsipagasawa : sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita . Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos , Nguni't hindi ako , kundi ang Panginoon , na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa . ( Datapuwa't kung siya'y humiwalay , ay manatiling walang asawa , o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa ) ; at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa . Datapuwa't sa iba , ay ako ang nagsasabi , hindi ang Panginoon : Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya , at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya , ay huwag niyang hiwalayan . At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya , at kalooban niyang makipamahay sa kaniya , ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa . Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa , at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa : sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan ; nguni't ngayo'y mga banal . Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya , ay bayaan siyang humiwalay : ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay : kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios . Sapagka't paanong malalaman mo , Oh babae , kung maililigtas mo ang iyong asawa ? o paanong malalaman mo , Oh lalake , kung maililigtas mo ang iyong asawa ? Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa , at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa , ay gayon siya lumakad . At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia . Tinawag baga ang sinomang taong tuli na ? huwag siyang maging di tuli . Tinawag baga ang sinomang di tuli ? huwag siyang maging tuli . Ang pagtutuli ay walang anoman , at ang di pagtutuli ay walang anoman ; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios . Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya . Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag ? huwag kang magalaala : kung maaaring ikaw ay maging malaya , ay pagsikapan mo ng maging laya . Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin , ay malaya sa Panginoon : gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya , ay alipin ni Cristo . Sa halaga kayo'y binili ; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao . Mga kapatid , bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya . Ngayon , tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon : nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya , na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan . Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan , sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan . Natatali ka ba sa asawa ? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag . Ikaw baga'y kalag sa asawa ? huwag kang humanap ng asawa . Nguni't kung ikaw ay magasawa , ay hindi ka nagkakasala ; at kung ang isang dalaga ay magasawa , ay hindi siya nagkakasala . Datapuwa't ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman : at ibig ko sanang kayo'y iligtas . Nguni't sinasabi ko ito , mga kapatid , ang panahon ay pinaikli , upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala ; At ang mga nagsisiiyak , ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak ; at ang nangagagalak , ay maging tulad sa hindi nangagagalak ; at ang mga nagsisibili , ay maging tulad sa mga walang inaari ; At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan , ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit : sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas . Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan . Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon , kung paanong makalulugod sa Panginoon : Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan , kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa , At nagkakabahagi ang isipan . Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga , ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon , upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man ; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan , kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa . At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan ; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan , kundi dahil sa bagay na nararapat , at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala . Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga , kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang , at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan , hindi siya nagkakasala ; bayaang mangagasawa sila . Subali't ang nananatiling matibay sa kaniyang puso , na walang kailangan , kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban , at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga , ay mabuti ang gagawin . Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti ; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti . Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa ; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa , ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya ; sa kalooban lamang ng Panginoon . Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan , ayon sa aking akala : at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios . Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan : Nalalaman natin na tayong lahat ay may kaalaman . Ang kaalaman ay nagpapalalo , nguni't ang pagibig ay nagpapatibay . Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman , ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman ; Datapuwa't kung ang sinoman ay umiibig sa Dios , ay kilala niya ang gayon . Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan , nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan , at walang Dios liban sa iisa . Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios , maging sa langit o maging sa lupa ; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon ; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang , ang Ama , na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay , at tayo'y sa kaniya ; at isa lamang Panginoon , si Jesucristo , na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay , at tayo'y sa pamamagitan niya . Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan : kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan , ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan ; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa . Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios : ni hindi tayo masama , kung tayo'y di magsikain ; ni hindi tayo lalong mabuti , kung tayo'y magsikain . Datapuwa't magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging katitisuran sa mahihina . Sapagka't kung makita ng sinomang ikaw na may kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan , hindi baga titibay ang kaniyang budhi , kung siya'y mahina , upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan ? Sapagka't sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina , ang kapatid na dahil sa kaniya'y namatay si Cristo . At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid , at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito'y mahina , ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo . Kaya , kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid , kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati , upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid . Hindi baga ako'y malaya ? hindi baga ako'y apostol ? hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin ? hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon ? Kung sa iba'y hindi ako apostol , sa inyo man lamang ako'y gayon ; sapagka't ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon . Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin . Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom ? Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya , gaya ng iba't ibang mga apostol , at ng mga kapatid ng Panginoon , at ni Cefas ? O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa ? Sinong kawal ang magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol ? sino ang nagtatanim ng isang ubasan , at hindi kumakain ng bunga niyaon ? o sino ang nagpapakain sa kawan , at hindi kumakain ng gatas ng kawan ? Ang mga ito baga'y sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao ? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan ? Sapagka't nasusulat sa kautusan ni Moises , Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik . Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios , O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin ? Oo , dahil sa atin ito sinulat : sapagka't ang nagsasaka ay dapat magsaka sa pagasa , at ang gumigiik , ay sa pagasa na makakabahagi . Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu , malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman ? Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid , hindi baga lalo pa kami ? Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito ; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay , upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo . Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisipangasiwa sa mga bagay na banal , ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo , at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana ? Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio . Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito : at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin ; sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay , kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan . Sapagka't kung ipinangangaral ko ang evangelio , ay wala akong sukat ipagmapuri ; sapagka't ang pangangailangan ay iniatang sa akin ; sapagka't sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio . Sapagka't kung ito'y gawin ko sa aking sariling kalooban , ay may ganting-pala ako : nguni't kung hindi sa aking sariling kalooban , ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin . Ano nga kaya ang aking ganting-pala ? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio , ay ang evangelio ay maging walang bayad , upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio . Sapagka't bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao , ay napaalipin ako sa lahat , upang ako'y makahikayat ng lalong marami . At sa mga Judio , ako'y nagaring tulad sa Judio , upang mahikayat ko ang mga Judio ; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan , bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan ; Sa mga walang kautusan , ay tulad sa walang kautusan , bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios , kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo , upang mahikayat ko ang mga walang kautusan . Sa mga mahihina ako'y nagaring mahina , upang mahikayat ko ang mahihina : sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao , upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan . At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio , upang ako'y makasamang makabahagi nito . Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat , nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala ? Magsitakbo kayo ng gayon ; upang magsipagtamo kayo . At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay . Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira ; nguni't tayo'y niyaong walang pagkasira . Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan , na hindi gaya ng nagsasapalaran ; sa ganito rin ako'y sumusuntok , na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin : Nguni't hinahampas ko ang aking katawan , at aking sinusupil : baka sakaling sa anomang paraan , pagkapangaral ko sa iba , ay ako rin ay itakuwil . Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid , na di ninyo maalaman , na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap , at ang lahat ay nagsitawid sa dagat ; At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat ; At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu ; At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu ; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila : at ang batong yaon ay si Cristo . Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios ; sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang . Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin , upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa . Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan , gaya niyaong ilan sa kanila ; ayon sa nasusulat , Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom , at nagsitindig upang magsipagsayaw . Ni huwag din naman tayong makiapid , na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid , at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo . Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon , na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila , at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas . Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan , na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan , at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak . Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa ; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin , na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon . Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo , magingat na baka mabuwal . Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao : datapuwa't tapat ang Dios , na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya ; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag , upang ito'y inyong matiis . Kaya , mga minamahal ko , magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan . Ako'y nagsasalitang tulad sa marurunong ; hatulan ninyo ang sinasabi ko . Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala , hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo ? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol , hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo ? Bagaman tayo'y marami , ay iisa lamang tinapay , iisang katawan : sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay . Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman : ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana ? Ano ang aking sinasabi ? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan ? o ang diosdiosan ay may kabuluhan ? Subali't sinasabi ko , na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil , ay kanilang inihahain sa mga demonio , at hindi sa Dios : at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio . Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon , at ang saro ng mga demonio : kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon , at sa dulang ng mga demonio . O minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon ? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya ? Lahat ng mga bagay ay matuwid ; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat . Lahat ng mga bagay ay matuwid ; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay . Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili , kundi ang ikabubuti ng kapuwa . Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo , at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi ; Sapagka't ang lupa ay sa Panginoon , at ang kabuuan ng naririto . Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya , at ibig ninyong pumaroon ; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo , at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi . Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi , Ito'y inihandog na hain , ay huwag ninyong kanin , dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi ; Budhi , sinasabi ko , hindi ang inyong sarili , kundi ang sa iba ; sapagka't bakit hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba ? Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat , bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat ? Kaya kung kayo'y nagsisikain man , o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa , gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios . Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod , sa mga Judio man , sa mga Griego man , o sa iglesia man ng Dios : Na gaya ko din naman , na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao , na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan , kundi ang sa marami , upang sila'y mangaligtas . Maging taga tulad kayo sa akin , na gaya ko naman kay Cristo . Kayo'y aking pinupuri nga , na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako , at iniingatan ninyong matibay ang mga turo , na gaya ng ibinigay ko sa inyo . Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman , na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo , at ang pangulo ng babae ay ang lalake , at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios . Ang bawa't lalaking nanalangin , o nanghuhula na may takip ang ulo , ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo . Datapuwa't ang bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo , niwawalan ng puri ang kaniyang ulo ; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan . Sapagka't kung ang babae ay walang lambong , ay pagupit naman ; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit , ay maglambong siya . Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo , palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios : nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake . Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae ; kundi ang babae ay sa lalake : Sapagka't hindi nilalang ang lalake dahil sa babae ; kundi ang babae dahil sa lalake ; Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan , dahil sa mga anghel . Gayon man , ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae , sa Panginoon . Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake , gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae ; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios . Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili : nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong ? Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo , na kung may mahabang buhok ang lalake , ay mahalay sa kaniya ? Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok , ay isang kapurihan niya ; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip . Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman , walang gayong ugali kami , ni ang iglesia man ng Dios . Datapuwa't sa pagtatagubilin sa inyo nito , ay hindi ko kayo pinupuri , sapagka't kayo'y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama . Sapagka't unauna'y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia , ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi ; at may kaunting paniniwala ako . Sapagka't tunay na sa inyo'y mayroong mga hidwang pananampalataya , upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo . Kung kayo nga ay nangagkakatipon , ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon ; Sapagka't sa inyong pagkain , ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba ; at ang isa ay gutom , at ang iba'y lasing . Ano , wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman ? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios , at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman ? Ano ang aking sasabihin sa inyo ? Kayo baga'y aking pupurihin ? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri . Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo ; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay ; At nang siya'y makapagpasalamat , ay kaniyang pinagputolputol , at sinabi , Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo : gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin . At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon , na sinasabi , Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo : gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom , sa pagaalaala sa akin . Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito , at inuman ninyo ang saro , ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya . Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay , o uminom sa saro ng Panginoon , na di nararapat , ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon . Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili , at saka kumain ng tinapay , at uminom sa saro . Sapagka't ang kumakain at umiinom , ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili , kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon . Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin , at hindi kakaunti ang nangatutulog . Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili , ay hindi tayo hahatulan . Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan , ay pinarurusahan tayo ng Panginoon , upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan . Dahil dito , mga kapatid ko , kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain , ay mangaghintayan kayo . Kung ang sinoman ay magutom , kumain siya sa bahay ; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol . At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko . Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu , mga kapatid , ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam . Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa , ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan , sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo . Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo , na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi , Si Jesus ay itinakwil ; at wala sinoman ay makapagsasabi , Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo . Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob , datapuwa't iisang Espiritu . At may iba't ibang mga pangangasiwa , datapuwa't iisang Panginoon . At may iba't ibang paggawa , datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat . Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu , upang pakinabangan naman . Sapagka't sa isa , sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan ; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu : Sa iba'y ang pananampalataya , sa gayon ding Espiritu ; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling , sa iisang Espiritu . At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala ; at sa iba'y hula ; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu ; at sa iba'y ang iba't ibang wika ; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika . Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu , na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig . Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa , at mayroong maraming mga sangkap , at ang lahat ng mga sangkap ng katawan , bagama't marami , ay iisang katawan ; gayon din naman si Cristo . Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan , maging tayo'y Judio o Griego , maging mga alipin o mga laya ; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu . Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap , kundi marami . Kung sasabihin ng paa , Sapagka't hindi ako kamay , ay hindi ako sa katawan ; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan . At kung sasabihin ng tainga , Sapagka't hindi ako mata , ay hindi ako sa katawan ; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan . Kung ang buong katawan ay pawang mata , saan naroroon ang pakinig ? Kung ang lahat ay pawang pakinig , saan naroroon ang pangamoy . Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan , ayon sa kaniyang minagaling . At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap , saan naroroon ang katawan ? Datapuwa't maraming mga sangkap nga , nguni't iisa ang katawan . At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay , Hindi kita kinakailangan : at hindi rin ang ulo sa mga paa , Hindi ko kayo kailangan . Hindi , kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina : At yaong mga sangkap ng katawan , na inaakala nating kakaunti ang kapurihan , sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri ; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan ; Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan : datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan ; Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan ; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa . At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam , ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya ; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri , ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya . Kayo nga ang katawan ni Cristo , at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya . At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia , una-una'y mga apostol , ikalawa'y mga propeta , ikatlo'y mga guro , saka mga himala , saka mga kaloob na pagpapagaling , mga pagtulong , mga pamamahala , at iba't ibang mga wika . Lahat baga'y mga apostol ? lahat baga'y mga propeta ? lahat baga'y mga guro ? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala ? May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat ? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika ? lahat baga ay nangagpapaliwanag ? Datapuwa't maningas ninyong nasain , ang lalong dakilang mga kaloob . At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan . Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel , datapuwa't wala akong pagibig , ay ako'y naging tanso na tumutunog , o batingaw na umaalingawngaw . At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula , at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman ; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya , na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok , datapuwa't wala akong pagibig , ay wala akong kabuluhan . At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha , at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin , datapuwa't wala akong pagibig , ay walang pakikinabangin sa akin . Ang pagibig ay mapagpahinuhod , at magandang-loob ; ang pagibig ay hindi nananaghili ; ang pagibig ay hindi nagmamapuri , hindi mapagpalalo . Hindi naguugaling mahalay , hindi hinahanap ang kaniyang sarili , hindi nayayamot , hindi inaalumana ang masama ; Hindi nagagalak sa kalikuan , kundi nakikigalak sa katotohanan ; Lahat ay binabata , lahat ay pinaniniwalaan , lahat ay inaasahan , lahat ay tinitiis . Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man : kahit maging mga hula , ay mangatatapos ; maging mga wika , ay titigil : maging kaalaman , ay mawawala . Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya , at nanganghuhula tayo ng bahagya ; Datapuwa't kung dumating ang sakdal , ang bahagya ay matatapos . Nang ako'y bata pa , ay nagsasalita akong gaya ng bata , nagdaramdam akong gaya ng bata , nagiisip akong gaya ng bata : ngayong maganap ang aking pagkatao , ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata . Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin ; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan : ngayo'y nakikilala ko ng bahagya , nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin . Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito : ang pananampalataya , ang pagasa , at ang pagibig ; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig . Sundin ninyo ang pagibig ; gayon ma'y maningas ninyong pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu , nguni't lalo na ang kayo'y mangakapanghula . Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita , kundi sa Dios ; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya ; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga . Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay , at sa ikapangangaral , at sa ikaaaliw . Ang nagsasalita ng wika , ay nagpapatibay sa sarili ; nguni't ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia . Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika , datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula : at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika , maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay . Ngayon nga , mga kapatid , kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika , anong inyong pakikinabangin sa akin , maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag , o ng kaalaman , o ng panghuhula , o ng aral ? Kahit ang mga bagay na walang buhay , na nagsisitunog , maging plauta , o alpa , kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog , paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa ? Sapagka't kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan , sino ang hahanda sa pakikibaka ? Gayon din naman kayo , kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan , paanong matatalos ang inyong sinasalita ? sapagka't sa hangin kayo magsisipagsalita . Halimbawa , mayroon ngang iba't ibang mga tinig sa sanglibutan , at walang di may kahulugan . Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig , magiging barbaro ako sa nagsasalita , at ang nagsasalita ay magiging barbaro sa akin . Gayon din naman kayo , na yamang kayo'y mapagsikap sa mga kaloob na ayon sa espiritu ay pagsikapan ninyong kayo'y magsisagana sa ikatitibay ng iglesia . Kaya't ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya'y makapagpaliwanag . Sapagka't kung ako'y nananalangin sa wika , ay nananalangin ang aking espiritu , datapuwa't ang aking pagiisip ay hindi namumunga . Ano nga ito ? Mananalangin ako sa espiritu , at mananalangin din naman ako sa pagiisip : aawit ako sa espiritu , at aawit din naman ako sa pagiisip . Sa ibang paraan , kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu , ang nasa kalagayan ng di marunong , paanong siya'y makapagsasabi ng Siya nawa , sa iyong pagpapasalamat , palibhasa'y hindi nalalaman ang inyong sinasabi ? Sapagka't ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti , datapuwa't ang iba'y hindi napapagtibay . Nagpapasalamat ako sa Dios , na ako'y nagsasalita ng mga wika na higit kay sa inyong lahat : Nguni't sa iglesia ibig ko pang magsalita ng limang salita ng aking pagiisip , upang makapagturo ako naman sa iba , kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa wika . Mga kapatid , huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip ; gayon ma'y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo , datapuwa't sa pagiisip kayo'y mangagpakatao . Sa kautusan ay nasusulat , sa pamamagitan ng mga taong may iba't ibang wika , at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako , sa bayang ito : at gayon ma'y hindi ako pakikinggan nila , ang sabi ng Panginoon . Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda , hindi sa mga nagsisisampalataya ; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya ; nguni't ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya , kundi sa mga nagsisisampalataya . Kung ang buong iglesia nga'y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika , at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya , hindi baga nila sasabihing kayo'y mga ulol ? Datapuwa't kung ang lahat ay nagsisipanghula , at may pumasok na isang hindi sumasampalataya , o hindi marunong , mahihikayat siya ng lahat , masisiyasat siya ng lahat ; Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag ; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios , na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo . Ano nga ito , mga kapatid ? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit , may isang aral , may isang pahayag , may wika , may isang pagpapaliwanag . Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay . Kung nagsasalita ang sinoman ng wika , maging dalawa , o huwag higit sa tatlo , at sunodsunod ; at ang isa'y magpaliwanag : Datapuwa't kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia ; at siya'y magsalita sa kaniyang sarili , at sa Dios . At ang dalawa o tatlo sa mga propeta ay magsipagsalita , at ang mga iba'y mangagsiyasat . Datapuwa't kung may ipinahayag na anoman sa isang nauupo , ay tumahimik ang nauuna . Sapagka't kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa , upang ang lahat ay mangatuto , at ang lahat ay maaralan ; At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta ; Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan , kundi ng kapayapaan . Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal , Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia : sapagka't sila'y walang kapahintulutang mangagsalita ; kundi sila'y pasakop , gaya naman ng sinasabi ng kautusan . At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay , magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay ; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia . Ano ? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios ? o sa inyo lamang dumating ? Kung iniisip ninoman na siya'y propeta , o ayon sa espiritu , ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko , na pawang utos ng Panginoon . Datapuwa't kung ang sinoman ay mangmang , ay manatili siyang mangmang . Kaya nga , mga kapatid ko , maningas na pakanasain ninyong makapanghula , at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika . Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay . Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo , mga kapatid , ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral , na inyo namang tinanggap , na siya naman ninyong pinananatilihan , Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo , maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan . Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat , ang akin namang tinanggap : na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan , ayon sa mga kasulatan , At siya'y inilibing ; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan ; At siya'y napakita kay Cefas , at saka sa labingdalawa ; Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan , na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon , datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na ; Saka napakita kay Santiago ; at saka sa lahat ng mga apostol ; At sa kahulihulihan , tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan , ay napakita naman siya sa akin . Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol , at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol , sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios . Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios , ako nga'y ako ; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan ; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat : bagaman hindi ako , kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin . Maging ako nga o sila , ay gayon ang aming ipinangangaral , at gayon ang inyong sinampalatayanan . Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay , bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay ? Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay , ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo : At kung si Cristo'y hindi muling binuhay , ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral , wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya . Oo , at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios ; sapagka't aming sinasaksihan tungkol sa Dios , na kaniyang muling binuhay si Cristo ; na hindi siyang muling nabuhay , kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay . Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay , ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo : At kung si Cristo ay hindi muling binuhay , ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa . Kung gayon nga , ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak . Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo , ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag . Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog . Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan , sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay . Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay , gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin . Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan ; si Cristo ang pangunahing bunga ; pagkatapos ay ang mga kay Cristo , sa kaniyang pagparito . Kung magkagayo'y darating ang wakas , pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios , sa makatuwid baga'y sa Ama ; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari , at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan . Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway . Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan . Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa . Datapuwa't kung sinasabi , ang lahat ng mga bagay ay pinasuko , ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya . At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya , kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya , upang ang Dios ay maging lahat sa lahat . Sa ibang paraan , anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay ? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay , bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila ? Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras ? Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo , mga kapatid , na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako . Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid , ayon sa kaugalian ng tao , ano ang pakikinabangin ko ? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay , magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay . Huwag kayong padaya : Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali . Gumising kayo ng ayon sa katuwiran , at huwag mangagkasala ; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios : sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan . Datapuwa't sasabihin ng iba , Paanong muling bubuhayin ang mga patay ? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila ? Ikaw na mangmang , ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay : At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw , kundi ang butil lamang , na marahil ay trigo , o ibang bagay ; Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling , at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan . Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman : kundi may laman sa mga tao , at ibang laman sa mga hayop , at ibang laman sa mga ibon , at ibang laman sa mga isda . Mayroon namang mga katawang ukol sa langit , at mga katawang ukol sa lupa : datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit , at iba ang ukol sa lupa . Iba ang kaluwalhatian ng araw , at iba ang kaluwalhatian ng buwan , at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin ; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian . Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay . Itinatanim na may kasiraan ; binubuhay na maguli na walang kasiraan ; Itinatanim na may pagkasiphayo ; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian : itinatanim na may kahinaan ; binubuhay na maguli na may kapangyarihan : Itinatanim na may katawang ukol sa lupa ; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu . Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman . Gayon din naman nasusulat , Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay . Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay . Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una , kundi ang ukol sa lupa : pagkatapos ang ukol sa espiritu . Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa : ang ikalawang tao ay taga langit . Kung ano ang ukol sa lupa , ay gayon din naman silang mga taga lupa : at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit . At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa , ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit . Sinasabi ko nga ito , mga kapatid , na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios ; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan . Narito , sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga : hindi tayong lahat ay mangatutulog , nguni't tayong lahat ay babaguhin , Sa isang sangdali , sa isang kisap-mata , sa huling pagtunog ng pakakak : sapagka't tutunog ang pakakak , at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan , at tayo'y babaguhin . Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan , at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan . Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan , at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan , kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat , Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan . Saan naroon , Oh kamatayan , ang iyong pagtatagumpay ? Saan naroon , Oh kamatayan , ang iyong tibo ? Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan ; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan : Datapuwa't salamat sa Dios , na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo . Kaya nga , mga kapatid kong minamahal , kayo'y magsitatag , huwag makilos , na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon , yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon . Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal , ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia . Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan , ayon sa kaniyang iginiginhawa , upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko . At pagdating ko , ang sinomang inyong mamagalingin , ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem : At kung nararapat na ako naman ay pumaroon , sila'y isasama ko . Nguni't ako'y paririyan sa inyo , pagkaraan ko sa Macedonia ; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia ; Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw , upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon . Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay ; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon , kung itutulot ng Panginoon . Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes ; Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan , at marami ang mga kaaway . Ngayon kung dumating si Timoteo , ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba ; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon , na gaya ko rin naman : Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya . Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay , upang siya'y makaparito sa akin : sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid . Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos , ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid : at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon ; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon . Magsipagingat kayo , mangagpakatibay kayo sa pananampalataya , kayo'y mangagpakalalake , kayo'y mangagpakalakas . Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa . Ipinamamanhik ko nga sa inyo , mga kapatid ( nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya , at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal ) , Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon , at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal . At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico : sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila . Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo : magsikilala nga kayo sa mga gayon . Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia . Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay . Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid . Kayo'y mangagbatian ng halik na banal . Ang bati ko , ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay . Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon , ay maging takuwil siya . Maranatha . Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa . Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat . Siya nawa .</passage>
<license>Public Domain</license>
<source>http://paralleltext.info/data/ retrieved via Canonical Text Service http://cts.informatik.uni-leipzig.de/pbc/cts/ with CTS URN urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:46</source>
</reply>
</GetPassage>
