<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:a="http://relaxng.org/ns/compatibility/annotations/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<request>
<requestName>GetPassage</requestName>
<requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:34</requestUrn>
</request>
<reply>
<urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:34</urn>
<passage>Ang hula tungkol sa Ninive . Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita . Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti ; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan ; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway , at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway . Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit , at dakila sa kapangyarihan , at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin : ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo , at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa . Kaniyang sinasaway ang dagat , at tinutuyo , at tinutuyo ang lahat na ilog : ang Basan ay nanlalata , at ang Carmelo ; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta . Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya , at ang mga burol ay nangatutunaw ; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan , oo , ang sanglibutan , at ang lahat na nagsisitahan dito . Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit ? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit ? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy , at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya . Ang Panginoo'y mabuti , katibayan sa kaarawan ng kabagabagan ; at nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya . Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako , at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman . Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon ? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan ; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa . Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik , at maging napakalasing na parang manglalasing , sila'y lubos na masusupok na parang tuyong dayami . May lumabas na isa sa iyo , na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon , na pumapayo ng masama . Ganito ang sabi ng Panginoon : Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan , at totoong marami , gayon may sila'y nangalulugmok , at daraan siya . Bagaman pinagdalamhati kita , hindi na kita pagdadalamhatiin pa . At ngayo'y aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo , at aking sisirain ang iyong mga paningkaw . At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo , na hindi na matatatag ang iyong pangalan : sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo ; aking gagawin ang iyong libingan ; sapagka't ikaw ay hamak . Narito , nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita , na nangaghahayag ng kapayapaan ! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan , Oh Juda , tuparin mo ang iyong mga panata ; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo ; siya'y lubos na nahiwalay . Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo : ingatan mo ang katibayan , bantayan mo ang daan , palakasin mo ang iyong mga balakang , patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam , Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel : sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila , at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas . Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula , ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula : ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda , at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot . Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan ; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan : ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo ; nagsisitakbong parang mga kidlat . Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani : sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad ; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon , at ang panakip ay handa . Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas , at ang palacio ay nalansag . At si Huzab ay nahubdan ; siya'y dinala ; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati , na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib . Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig : gayon ma'y nagsisitakas . Tigil kayo , tigil kayo , isinisigaw nila ; nguni't walang lumilingon . Kunin ninyo ang samsam na pilak , kunin ninyo ang samsam na ginto ; sapagka't walang katapusang kayamanan , na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan . Siya'y tuyo , at walang laman , at wasak ; at ang puso ay natutunaw , at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan , at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang , at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla . Saan nandoon ang yungib ng mga leon , at ang dakong sabsaban ng mga batang leon , na nililibutan ng leon at ng babaeng leon , ng batang leon , at walang tumatakot sa kanila ? Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak , at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon , at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba , at ng tangay ang kaniyang mga yungib . Narito , ako'y laban sa iyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok , at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon ; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa , at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig . Sa aba ng mabagsik na bayan ! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw ; ang panghuhuli ay hindi tumitigil . Ang higing ng panghagupit , at ang hugong ng pihit ng mga gulong , at ng mga madambang kabayo , at ng lukso ng mga karo , Ang sakay ng mga mangangabayo , at ang kinang ng tabak ; at ang kislap ng sibat , at isang karamihan na patay , ay malaking bunton ng mga bangkay , at walang katapusang mga bangkay ; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay ; Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot , na panguna ng pangeenkanto , na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot , at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto . Narito , ako'y laban sa iyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo ; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran , at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan . At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan , at gagawin kitang hamak , at ilalagay kitang pinakakutya . At mangyayari , na ang lahat na mangakakakita sa iyo , ay iilag sa iyo , at mangagsasabi , Ang Ninive ay nahahandusay na sira : sinong mananaghoy sa kaniya ? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo ? Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon , na natatayo sa gitna ng mga ilog , na may tubig sa palibot niya ; na ang katibaya'y ang dagat , at ang kaniyang kuta ay nasa dagat ? Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan , at walang hanggan ; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong . Gayon ma'y siya'y nadala , siya'y pumasok sa pagkabihag ; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan ; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao , at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala . Ikaw naman ay malalango ; ikaw ay matatago ; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway . Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos , na may unang hinog na mga igos : kung mga ugugin , nangalalaglag sa bibig ng kumakain . Narito , ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae ; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway : nilamon ng apoy ang iyong mga halang . Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob ; tibayan mo ang iyong mga katibayan ; pumasok ka sa putikan , at yapakan mo ang argamasa , tibayan mo ang hurno ng ladrillo . Doon ka sasakmalin ng apoy ; ihihiwalay ka ng tabak ; sasakmalin kang parang uod : magpakarami kang gaya ng uod : magpakarami kang gaya ng balang . Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit : ang uod ay sumasamsam , at lumilipad . Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang , at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton , na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig , nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad , at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon . Ang iyong mga pastor ay nangatutulog , Oh hari sa Asiria ; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga ; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok , at walang magpisan sa kanila . Walang kagamutan sa iyong sakit : ang iyong sugat ay malubha : lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo ; sapagka't sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan ?</passage>
<license>Public Domain</license>
<source>http://paralleltext.info/data/ retrieved via Canonical Text Service http://cts.informatik.uni-leipzig.de/pbc/cts/ with CTS URN urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:34</source>
</reply>
</GetPassage>
